^

Pang Movies

Aljur at Hermano Puli iisa raw ang pagkatao

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung si Rex Tiri, ang executive producer ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli ay sumuporta nang husto sa paggawa ng pelikula, na dinirek ni Gil Portes, ang gumanap naman na Hermano Puli, si Aljur Abrenica ay hands-on sa lahat ng paghahanda ng movie kahit sa paghahanap ng producer. Ayon kay Aljur sa presscon ng movie na ipalalabas na in commercial cinemas, simula sa September 24, nakita raw niyang parang pareho ang pagkatao nila ni Hermano Puli.

Inamin ni Aljur na dumating siya sa point na parang nawalan siya ng gana sa trabaho niya at parang naghahanap siya ng bagong gagawin. Hanggang duma­ting ang offer na gumanap ngang Hermano Puli, kaya ibinigay niya ang time na pag-aralan at mag-research kung sino ba talaga si Hermano Puli. 

At iyon nga naging part na siya ng production lalo na nang makakuha na sila ng executive producer, si Rex Tiri na ginawa rin ang lahat para suportahan ang pelikula at mapanood ito ng mga tao.

Kung masusunod nga lamang si Rex, gusto niyang bigyan ng 50% discount ang mga student na gustong mapanood ito sa pagsisimula ng showing, kaya lamang, wala na palang ibinibigay na endorsement ang Department of Education (DepEd) para magbigay ng ganoong privilege sa mga period movies na talagang malaki ang cost ng production. 

Inamin din ni Rex na okey lamang sa kanya na hindi kumita ang first project nila, pero naisip din niyang kung kikita ito, pwede pa silang gumawa pa ulit ng isa pang project.

Biniro si Aljur na maganda ba ang working relationship nila ng katambal na si Louise delos Reyes na hindi naman lingid sa mga taga-showbiz na naging sila noon, na dahilan daw ng break-up niya at Kylie Padilla at nina Louise at Enzo Pineda. Tumawa na lamang si Aljur at hindi na nag-comment.

Paolo nasubaybayan ang buhay ni LJ

Kahit sila na ngayon, walang balak pakialaman ni Paolo Contis ang role na gagampanan ni LJ Reyes, tulad nang ginawa nito sa Anino Sa Likod ng Buwan na natalo ng husay sa pag-arte ni LJ ang sexy scenes na ginawa niya. 

Nakausap namin si Paolo sa presscon ng Alyas Robin Hood at nagulat kami na for the first time, inamin na niya ang tungkol sa kanila ni LJ. 

Napangiti niyang kuwento, parang inalagaan daw niya si LJ na una niyang nakita noong contestant ito ng Starstruck 2 at sa Sugo na bata pa sa tingin niya noon.  Pero sa Yagit sila nagkakilala nang husto at naging sila na nga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with