Sylvia walang arte kahit patandain sa serye
Walang problema kay Sylvia Sanchez kung patatandain siya sa ilang eksena sa kanyang unang pinagbibidahang serye, ang The Greatest Love na one week pa lamang isinasahimpapawid.
Lalo’t daw doon sa parteng unti-unti na siyang iginupo ng Alzheimer’s disease.
Sa serye kasi, ina si Sylvia sa apat na anak, two girls and two boys, na eventually ay nagkasakit ng Alzheimer’s.
Lahat sila ay mahal na mahal ang isa’t isa, kung papaano pumasok ang problema sa buhay nila, ito raw ang dapat subaybayan ng mga viewer ng series.
Pinaka-highlight, of course, nang magka-Alzheimer na siya.
Ang former Pinoy Big Brother (PBB) boarder na si Joshua Garcia ay anak ng panganay ni Gloria (Sylvia) na si Dimples Romana.
Sylvia’s other children in The Greatest Love are performed naman by Andi Eigenmann, Arron Villaflor and Matt Evans.
Si Matt ay dati ring housemate sa PBB.
Orig na ka-love team ni Joshua napunta kay Yves
Samantala, mahihirapang magkasama muli sa isang project sina Joshua at ang ibini-build up sanang ka-love team niya at dati ring kasamahan sa PBB na si Loisa Andalio.
Kasalukuyang nasa cast ng Be My Lady si Loisa kasama ang former PBB housemate rin na si Yves Flores. Si Joshua naman ay walang kapareha sa The Greatest Love.
Well, wala pang napapabalitang magkakaroon siya ng kapareha.
Ganun.
He is also in the cast of the much-awaited movie, Barcelona: A Love Untold, starring Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
He will soon co-star with Julia Barretto and Ronnie Alonte in another movie, also for Star Cinema, which produced Barcelona: A Love Untold.
Kathryn at Daniel ayaw na sa mga pabebe
Ibang-iba raw ang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mapapanood sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.
Galing mismo ang statement na ito kay Daniel, na sinabing ang love scene nila ni Kathryn ay more intense kumpara sa kanilang mga previous na pelikula gaya ng Crazy Beautiful You at She’s Dating The Gangster.
But as he and Kathryn admitted, more matured na rin naman sila ngayon, dahil pareho na silang nasa 20s ngayon. Kaya, bye-bye na sa mga pa-tweetums.
Bagama’t nandun pa rin ang kilig. Kilig na medyo matured.
Ayaw na itong i-elaborate pa ni Daniel.
Just watch the movie raw and feel it.
Directed by Olive Lamasan and produced by Star Cinema, Barcelona: A Love Untold opens in theaters not just nationwide but in key cities abroad as well.
Kalahok sa Pinoy Boyband Superstar, puro may hitsura
Wow, Salve A., ang gaganda ng mga babaeng audience ng unang episode ng Pinoy Boyband Superstar.
If only for them, feel ko ay papatok ang show na ito.
Dagdag na rito ang kagwapuhan din ng mga young boy participant. Na pawang matindi ang pagnanais, wika nga, na manalo sa kumpetisyon.
Five boys lang actually, according to host Billy Crawford ang mapipili, para siyang bumuo ng Boyband.
Well, ito ang abangan natin. Na siya ring obviously inaabangan ng mga judge na sina Aga Muhlach, Sandara Park, Yeng Constantino at Vice Ganda.
Meanwhile, congrats to everyone behind the program. Keep up the good work.
- Latest