Andi inggit sa beauty sa ID pictures ng ina

MANILA, Philippines – Pinag-uusapan ng mga netizens ang Instagram post ng aktres na si Andi Eigenmann patungkol sa kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Ipinasilip kasi ni Andi sa kanyang mga follower ang throwback ID photos ng Cannes Film Festival best actress.

Ayon sa post ni Andi, “Only person I know who looks consistently good in every ID picture. This shouldn’t be allowed.”

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa mga old photos ng A1 Ko Sa ‘Yo star dahil kapansin-pansin ang natural beauty ng magaling na aktres.

Kim umaming inuulan ng indecent proposals

Natutuwa si Kim Domingo dahil kinikilala siya ngayon bilang bagong Pantasya ng Bayan, ngunit dahil din sa bansag na ito ay apektado ang kanyang image bilang isang artista.

Sa katunayan, inamin ni Kim na nakakatanggap siya ng indecent proposals.

“Nu’ng nag-modeling ako, meron na niyan tapos lalo pa ngayon na nagso-showbiz na. Dedma na lang dahil siyempre hindi rin naman po ako ganung klase. Mas gusto ko pa rin na pinaghihirapan ko ‘yung lahat ng bagay na makukuha ko,” kwento ng sexy actress.

Samantala, available na for download and streaming ang single niyang Know Me under GMA Records.

Show comments