^

Pang Movies

Heart kayang-kayang magpayaman mag-isa

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi na muna gagawa si Heart Evangelista ng TV series ngayong tapos na ang Juan Happy Love Story kung saan nakasama niya si Dennis Trillo.

Sa nasabing serye, nagkaroon sila ng kissing scene ni Dennis at may permission daw ito ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Next agenda niya raw ay ang magbuntis. Baka sa January sa susunod na taon daw para nga siguro bago mag-Christmas 2017 ay may baby na sila ni Senator Chiz.

Busy si Heart o Love Marie Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay, sa kanyang career bilang artist. Nagpipinta siya ngayon ng pinakamamahaling bags, ang Hermes.

Heart had 40 of these luxury bags, na matiyaga at maingat niyang hinand-print.

Naka-display ang mga bag sa kanyang exhibit titled Carry Your HeART sa the Volkswagen Showroom, Bonifacio Global City.

Guess how much each of these bags cost?

Well, somebody in Heart’s group answered: “P1-M. Kaya nga, if you notice, bawat bag na naka-display ay may kaukulang alarm signal. After all, the bags ay hindi mga pag-aari ni Heart, kung hindi ipinahiram lang sa kanya for the exhibit ng mga tunay na nagmamay-ari nito and who commissioned her to paint their bags.

Sa bawat isang bag na pinipinturahan ni Heart ng kanyang sariling design, P90,000 ang pinakamaliit na bayad sa kanya. Actually, depende sa laki at price ng bag, since may tatak na Hermes ito na nagkakahalaga ng milyun-milyon.

Pabiro naming tinanong si Heart kung gaano na siya kayaman.

Sumagot si Heart ng: “The Senator and I signed a pre-up agreement before we got married.”

Solenn wala sa hitsura at katawan na misis na

Mag-iisang taon nang kasal sa Argenti­nian na si Nico Bolzico si Solenn Heussaff pero hanggang ngayon ay seksing-seksi pa rin ito.

Malalaman daw ang kanyang sikreto sa kanyang librong Hot Sos, na mabibili na sa bookstores nationwide. Sa libro raw, detalyadong inihanda ni Solenn ang kanyang daily exercises routine. Na madali rin naman daw sundin.

Konti lang ang nakakaalam na si Solenn ay isang make up artist bago siya natuklasan sa showbiz.

Kliyente niya dati si Ruffa Gutierrez.

Tom at Sylvia may kumpetisyon sa alzheimer’s

Ano sa tingin ninyo ang pagkakapareho nina Tom Rodriguez at Sylvia Sanchez?

Well, pareho silang victim ng Alzheimer disease sa kani-kanilang mga serye, Someone To Watch Over Me kay Tom. At kay Sylvia naman, The Greatest Love.

While Maryo delos Reyes directs Someone to Watch Over Me, si Jeffrey Jeturian naman ang namamahala ng The Greatest Love.

Someone To Watch… co-stars Tom with Lovi Poe, Max Collins, Jackie Lou Blanco and Edu Manzano.

Makakasama naman ni Sylvia sa The Greatest Love sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans at Andi Eigenmann. Grandson naman at anak ni Dimples ang role na ginagampanan ni Joshua Garcia.

Nineteen year-old Joshua was one a housemate ni Kuya in Pinoy Big Brother Teen.

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with