Guess, Salve A., kung sino sa mga artistang babae ang itinututing na greater crush ni Derrick Monasterio?
“Si Jessy Mendiola,” ang pinagdidiinang sagot ni Derrick. Isang beses lang daw niya ito nakita sa isang pictorial.
In time, he hopes na maka-trabaho si Jessy. Pwede raw sa isang movie, since kapipirma lang niya ng movie contract sa Regal Entertainment.
Umaasa rin siya na manood si Jessy ng kanyang concert na Oh, Boy!, with Aljur Abrenica, Jake Vargas at Rocco Nacino sa September 23 at the Music Museum.
Hermano ni Aljur may special screening
Muli na naman, Salve A., na magkakaroon ng special screening tonight, ang pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli, kung saan si Aljur Abrenica ang gumaganap na bida.
Sa huli kasing screening ng Hermano…, directed by Gil Portes, invitational ang okasyon.
Ina ni Joshua Oliveros biglang sumulpot
Nakaka-touch naman, Salve A., ang naging reaction ng nagwaging champion sa Season 3 ng The Voice Kids na si Joshua Oliveros na tubong Hamtic, Antique.
Hindi lang siya umiyak, kung hindi napaluhod pa nang tawagin ang kanyang pangalan.
Natalo niya ang kanyang mga kalaban na sina Justin Alva at Antonette Rismo na pareho ring magaling. Sa totoo lang.
Pare-pareho silang tatlo na galing sa mahirap na pamilya. Na ang hangarin, kapag nanalo sila, ay ang mahango sa kahirapan ang kanilang mag-anak.
Hindi lang basta nanalo si Joshua ng P1-M, yes, tumataginting na P1M, kundi pati ng fashion package, another P1-M trust fund from H&M, bahay at lupa courtesy of Camella Homes, a business franchise from Siomai House, plus a recording contract from MCA Music, Inc.
But more than all these prizes, ang higit sa palagay namin ikinatuwa at ipinagpapasalamat ni Joshua ay ang katuparan ng kanyang pangarap na muling mabuo ang kanyang pamilya.
Four years na pala nang iniwanan sila ng kanilang ina.
Pero sa gabi ng kanyang final performance, nasa audience ang kanyang ina.
Si Lea Salonga ang coach ni Joshua, na inamin niyang tinutukan siya. Lalo na sa dalawang huling gabi bago ang contest.
Aminado si Lea na hanga siya kay Joshua. Talagang nakikinig daw ang batang 11 years old lamang, talagang inuunawa niya ang bawat letra ng kanyang aawitin at galing sa puso ang kanyang performance.
Direk Olive may dalang suwerte
Isang malaking celebration na naman ang pagbabalik ni Olive Lamasan, bilang direktor ng malapit nang ipalabas na Kathryn Bernado-Daniel Padilla starrer, Barcelona: A Love Untold.
Si Direk Olive ay hindi lang isa sa mga itinuturing na mahuhusay na direktor. Respetado rin siya dahil bawa’t pelikulang kanyang idini-direk ay bukod sa tinitiyak na maganda ay blockbuster pa.
Mga classic ding itinuturing ang mga pelikula ni Direk Olive, which include, Madrasta, The Mistress, Milan, Starting Over Again and Sana Maulit Muli.
Espesyal ang pelikulang Barcelona ni Direk Olive dahil kinunan pa ito sa Barcelona, Spain.