Maganda ang feedback sa performance ni Rhian Ramos bilang si Clara sa pinagbibidahan niyang teleserye sa Kapuso network na Sinungaling Mong Puso.
Kaya lalong nape-pressure si Rhian na mag-deliver parati ng magandang performance sa bawa’t episode na gagawin niya dahil ikinukumpara nga siya sa original na Clara na si Ms. Vilma Santos. “There is some pressure just doing the same role as her.
“Ayokong ma-compare, kasi nakakahiya.
“I’m sure if you walk into her living room, it’s covered in awards. She’s known for being one of the most amazing drama actresses in the country,” diin pa ni Rhian.
Kaya maingat si Rhian na hindi makopya ang naging pag-arte ni Ate Vi sa original na Sinungaling Mong Puso dahil never daw niyang maa-achieve ang husay ng isang Vilma Santos. “We’re really trying to focus on not replaying the same way.
“The advice given to me is still to do it on my own way kasi kung nanggaya ako hindi ko rin naman maa-achieve.
“There’s really no one else naman that can fill her shoes din.
“Hopefully people will find an appreciation for the kind of flavor that I’ll be able to put in it.”
Maganda naman ang naging comment ni Congresswoman Vilma Santos-Recto noong malaman niyang ni-remake ang isa sa paborito niyang ginawang pelikula noong 1992.
“I’m sure Rhian’s good! Napapanood ko naman siya. I’m sure bibigyan naman niya ng justice ‘yung role,” simpleng sagot ni Ate Vi.
Jennylyn hindi pa rin nahahanapan ng kapareha
Kumalat sa social media na ang anak ni former President Joseph Ejercito Estrada na si Jake Ejercito ang gustong kunin ng GMA-7 para gumanap bilang ang alien na si Matteo Do sa local adaptation ng hit Koreanovela na My Love From The Star.
Si Jennylyn Mercado ay confirmed na gaganap bilang si Steffi Cheon, ang maganda at sikat na kapitbahay ni Matteo sa naturang Koreanovela.
Noong unang lumbas ang casting ng My Love From The Star na ididirek ni Bb. Joyce Bernal, si Alden Richards ang gaganap na Matteo Do.
Pero mukhang malabo na raw na si Alden ang magiging partner ni Jennylyn baka kasi maraming fans ni Pambansang Bae ang magalit dahil gusto nila na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub lang ang ka-partner ni Alden.
Kaya biglang kumalat na ang magandang replacement kay Alden ay si Jake Ejercito. Ilang beses na rin kasi itong lumabas sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at lumabas na ito sa Lenten special ng EB na God Gave Me You with Alden and Maine.
Nagkaroon na ng maraming fans si Jake dahil sa paglabas niya sa Kalyeserye kaya perfect daw siyang kunin para sa role ni Matteo Do.
Dahil naging usap-usapan nga sa social media ang paggawa raw ni Jake ng teleserye, nilinaw ito mismo ni Jake sa kanyang Twitter account noong nakaraang August 11 na wala siyang gagawin na TV show anytime soon.
Mas priority niya kasi ang kanyang pag-aaral.
Heto ang post ni Jake, “Just to put an end to some speculations and outrageous comments, I am not doing a TV show anytime soon.
“Nothing against the people behind the show though! It’s just that my school sched won’t permit me to do anything time-consuming :)”
Hollywood actor na si Thomas Gibson sinibak sa serye matapos manipa ng produ
Tuluyan nang tinanggal ang bida ng US TV series na Criminal Minds na si Thomas Gibson.
Una lang siyang binigyan ng two-episode suspension dahil inimbestigahan pa ang naganap na on-set altercation niya with the show’s producer. Marami ang nakasaksi na sinipa ni Gibson ang producer nito habang nasa set sila.
Ngayon ay nakapagdesisyon na ang mga bossing ng ABC Studios and CBS Television Studios na i-fire na si Gibson from the show.
Heto ang official statement ng studio sa nangyari, “Thomas Gibson has been dismissed from Criminal Minds. Creative details for how the character’s exit will be addressed in the show will be announced at a later date.”
Nagbigay naman ng kanyang statement si Gibson sa pangyayari at pinagsisihan nga niya ang nagawa niya, “There were creative differences on the set and a disagreement.
“I regret that it occurred. We all want to work together as a team to make the best show possible.
“We always have and always will.
“I love Criminal Minds and have put my heart and soul into it for the last 12 years.
“I had hoped to see it through to the end, but that won’t be possible now.
“I would just like to say thank you to the writers, producers, actors, our amazing crew, and, most importantly, the best fans that a show could ever hope to have.”
Hindi nga raw ito ang unang insidente na nakipag-away si Gibson sa set ng Criminal Minds. A few years ago ay tinulak naman niya ang assistant director ng show dahil sa isang hindi napagkasunduang eksena.
Pinag-attend siya ng anger management classes ng production at inasahan na hindi na mauulit ang ginawa niya.
Pero sa pangyayaring may sinaktan si Gibson sa set, minabuti na lang na alisin siya sa show.
Ginagampanan ni Gibson ang role bilang si BAU Special Agent Aaron Hotchner sa Criminal Minds since 2005.
Isang theater actor si Thomas Gibson bago siya lumabas sa mga US daytime soap operas na Guiding Light, As The World Turns at Another World. Lumabas din siya sa medical drama na Chicago Hope.
It was in 1997 nang mabigyan ng lead role si Gibson sa hit comedy series na Dharma & Greg opposite Jenna Elfman. Tumagal ito hanggang 2002.