Pagbibidahan ni Richard Yap ang ipapasok na Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, ang Mano Po 7 Tsinoy.
Nagkaroon ng contract signing si Richard kahapon kung saan inanunsyo ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang gagawin niyang movie.
Isa sa biggest movie franchise ng Regal ang Mano Po. Sa huling Mano Po 6, pinagbidahan ito ni Sharon Cuneta na unang sabak din niya noon sa bakuran ni Mother Lily. This time, nakasentro ang movie sa male character na pagbibidahan ni Richard.
Sa question and answer part ng contract signing, naibahagi ni Chard ang pag-ayaw ng family niya nang magpakasal sa isang Pinay. Tinanggal siya sa family business pero nang magkaroon ng anak na lalaki, nanumbalik ang pagmamahal ng magulang sa kanya.
“I’ve been very open about that. Nasabi ko na rin ‘yon before pero hindi lang masyado sigurong na-pick up. I think my experiences in the past would be a great help. I think that’s one of the inspirations that could guide me,” pahayag ni Richard sa press.
Napagdaanan na rin ng actor ang tinatawag sa fixed marriages sa Chinese. Ginusto rin ng tatay niyang ipakasal siya sa babaeng ang father niya ang pumili. “Kaya lang, matigas talaga ang ulo ko. Hindi ako sumunod. Kaya hindi talaga ako naging favorite niya.
“I think you really have to stick up kung sino ang gusto mong pakasalan. So I chose to go who I wanted to marry. Sabi nga ng dad ko, ‘Ito na ang pakasalan mo.’ ‘Eh, araw-araw ko nang kasama ‘yan. Gusto mo ikaw na lang (pakasal)!’ Ha! Ha! Ha! Nagalit siya sa akin,” kuwento ng actor.
Nakasama na rin si Richard sa pelikulang inilaban sa MMFF. Pero hindi masasabing solo niya ito. Pero sa movie sa Regal, siya ang masasabing magdadala ng pelikula sa box-office.
“Of course, there’s pressure on doing this kasi ako ang maging sentro ng character ng movie. Gusto ko rin naman kasing magtuluy-tuloy ang success ng franchise ng Mano Po. There’s a little pressure so I will just do my best and hope that God will take care of the rest,” katwiran niya.
Takot ba siya sa magiging resulta sa box-office ng success ng film?
“Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yan. Baka ma-affect ‘yung movie. I will just do my best and tingnan natin kung ano ang magiging come out nito. ‘Wag muna nating isipin ‘yon,” tugon ni Richard.
Ano ang nagbunsod sa kanyang tanggapin ang offer ng Regal?
“I think it’s a combination of everything. Regal Films naman ‘yan. Pioneer in this movie industry. I think it’s also a good story for me. So talked it over,” saad niya.
For a change, hindi rom-com ang project niya, huh!
“Maiba naman. Try naman natin ang ibang genre. I think we need to do a lot of things. Hindi puwedeng mag-stick lang tayo sa rom-com. Magsasawa rin ang mga tao if you keep on doing the same thing over and over again! You have to show your versatility also.
“You have to learn. This a good movie,” sabi ni Richard?
May takot ba siya ngayong drama talaga ang Tsinoy?
“I think mas may…I have more experience now. Puwede na nating subukan. Hindi na ako ganoon kakaba as compared to dati! May highs and lows naman ang buhay ko,” rason ng actor.
Pero magaling ang isasama sa movie na si Jean Garcia, huh!
“Yeah! I look up to her. Crush ko siya nu’ng bata ako! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Richard.