Juday ayaw kapareha si Richard?!
Matuloy na kaya ang tambalang Judy Ann Santos at Richard Yap, ngayong nakapanganak na si Juday sa kanyang baby girl na si Luna?
Kung matatandaan, magtatambal dapat sana ang dalawa nang biglang natuklasan ni Juday na buntis pala siya.
Henceforth, naging busy na si Richard sa ilang projects, isa na nga rito ang malapit nang ipalabas na pelikulang The Achy Breaky Hearts, kung saan makakasama niya ang naka-loveteam niya sa Be Careful With My Heart na si Jodi Sta. Maria.
Directed by Antoinette Jadaone, The Achy… marks Richard’s first time to work not just with Direk Antoinette but with Ian Veneracion.
Yes, dalawa ang leading men ni Jodi sa The Achy…, which is produced by Star Cinema.
Dalawa rin ang leading man ni Juday sa kanyang sort of post birth “comeback”, the indie movie Kusina. And they are Joem Bascon and Luis Alandy.
Dalawa rin ang direktor ng Kusina, sina Direk Cenon Palomares at David Corpuz.
Robi at Enchong, instant teacher na
Professor na pala sa UP, kung saan nagtapos siya ng college, ang dating child actor na si Atong Redillas.
Come to think of it, magiging teachers din sina Enchong Dee at Robi Domingo sa programang Knowledge Channel.
Enchong, a college graduate of the De La Salle University, is assigned to handle AgriCOOLture, which is meant to make young students realize na isang flourishing sector ang agrikultura sa ating bansa at marami itong matutulungan sa ating mga kababayan, if not the entire population natin.
The show, actually, is a sort of advocacy, which Knowledge Channel is producing in partnership with Landbank.
Robi, on the other hand, is assigned the show, MathDali, meant naman to help students, na hirap na sa mga subject na may kinalaman sa numbers, nangunguna na nga rito ang subject na Math.
A graduate of the Ateneo de Manila University, Robi ay host din ng proclaimed biggest and top-rating singing reality competition, The Voice Kids, with Luis Manzano and Kim Chiu.
Serving as mentors for the kids na kasali sa contest ay sina Lea Salonga, Bamboo at Sharon Cuneta.
Enchong si Bea ang isusunod
Of Enchong, gaganap siyang leading man sa chinita comedienne na si Kiray Celis, in the soon-to-be released Regal Entertainment movie, I Love You To Death.
Soon, he will be busy, too, with a series with Bea Alonzo as his leading lady.
Now, too, Enchong owns and manages a restaurant, called Peri-Peri, located sa SM Megamall.
Smokey nami-miss ang mga mura ni Tita Angge
Tawang-tawa naman kami para kay Smokey Manaloto, na nasa cast pala ng bagong series ng Dreamscape Television Entertainment, Born For You, na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador.
Isa si Smokey sa mga “alaga” ng ngayo’y may sakit pang talent manager and talent coordinator na si Angge. At openly niyang sinasabing apektadung-apektado siya sa pagkakasakit ni Angge, dahil pangalawang ina na ang turing nito sa talent manager.
“Nami-miss ko ang ugali niyang magmura, na kaming mga alaga niya ay alam naming bukambibig lang niya.
“At ang kanyang pagtatalak, they were music to our ears,” minsan nabanggit sa amin ni Smookey.
Dreamscape Television Entertainment also featured Smokey in an important guest appearance sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Vice may inilihim kay Sen. Dick
Speaking of Ang Probinsyano, isa raw sana ito sa mga teleserye ng ABS-CBN na type subaybayan ng newly-re-elected Senator na si Dick Gordon. Pero dahil nga sa busy schedule nito ay hindi na siya nakakanood.
Ito ang sinabi niya kay Vice Ganda, when he guested in Vice’s Sunday show, Gandang Gabi, Vice (GGV).
Well, sayang at hindi nabanggit ni Vice kay Senator Gordon na via I Want TV, which he (Vice) is one of the endorsers, puwede niyang mapanood lahat ng shows ng ABS-CBN na na-miss niyang panoorin.
Yes, anytime of the day at kahit saan siya naroroon. At nakapuwesto.
- Latest