Hindi nga raw agad nakasagot si Dennis Trillo sa tanong na napili niya noong mag-guest ito sa programang MARS nina Suzi Abrera at Camille Prats.
Napili raw na tanong ni Dennis mula sa fish bowl ay ang tanong na: “Is love sweeter the second time around? Para sa ‘yo, bakit?” Patungkol ito sa pagbabalikan nga raw nila ni Jennylyn Mercado.
Kailan lang ay nabalitang naghiwalay na naman daw sila dahil sa co-star ni Dennis sa Juan Happy Love Story na si Kim Domingo. Pero pinabulaanan ito ng aktor.
Anyway, naniniwala nga raw si Dennis sa second chances.
“Pwede siyang totoo kasi siyempre mas kilala n’yo na ang isa’t isa tapos alam n’yo na ang differences n’yo at saka ‘yung mga strengths and weaknesses. Siguro sa second time, mas okay na siya kapag susubukan n’yo ulit.”
Supermodel na si Karlie Kloss at PAL nagkaayos na
Hindi napigilan na mag-tweet ng kanyang disappointed ang Victoria’s Secret Angel at supermodel na si Karlie Kloss ng kanyang hindi magandang experience sa Philippine Airlines.
Noong nakaraang June 7 ay nag-post sa kanyang Twitter ang supermodel ng hindi magandang service ng naturang airline sa kanya. “@flyPAL has the WORST CUSTOMER SERVICE OF ALL TIME. Most BUDGET AIRLINE. Rude & disrespectful. Shame on You @flyPAL,” tweet pa ni Kloss.
Nakilala si Karlie Kloss dahil kinuha siya ng Victoria’s Secret na maging angel noong 2011. Kabilang siya sa mga rumarampa every December para sa bagong line ng naturang luxe lingerie and sleepwear brand.
Noong 2015 ay nagdesisyon si Karlie na iwan muna ang pagmo-model at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Gallatin School of Individualized Study in New York University (NYU).
Naglabas na ng kanilang official statement ang PAL tungkol sa naging reklamo ng supermodel sa serbisyo nila.
Nakausap na raw nila ang supermodel at naayos na rin daw ang gusot sa pagitan nila.
“We are happy to note that Ms. Kloss has gracefully responded to PAL’s initial communication.
“The airline has likewise sent her a formal letter stating that there was no deliberate intention to cause her any disservice.
“To show the heart of the Filipino, we are extending her assistance to facilitate the refund of her unused ticket or to facilitate the rebooking of her flight.
“PAL will be pleased to serve Ms. Kloss’ travel needs in the future.”
Lance tanggap ang pagkatalo
Mabilis na natanggap ng singer-actor na si Lance Raymundo ang pagkatalo niya sa nakaraang May elections.
Tumakbo si Lance bilang councilor ng 2nd district ng San Juan City, pero hindi nga siya sinuwerte na manalo.
Ayon kay Lance, nakatulong daw nang malaki para sa kanya ang pagpasok sa mundo ng politics, lalo na sa usaping public service. “The last election has been a very enriching experience for me and has been a great way of getting my foot into the world of public service as I have been able to immerse myself into the lives of people in my neighboring barangays.
“The experience helped me know them better and understand their needs and feel one with them.” Wala pa raw siguro sa plano ng Diyos na maging politician siya ngayon. Kaya madali niya itong natanggap.
Kahit na natalo siya, tuloy pa rin ang anumang nasimulan niya para sa mga taga-San Juan.
“It’s not yet in God’s plan for me to be in position at this moment, so it’s a fact that I embrace and accept fully.
“I wanted to share my positivity, inspiration and knowledge with people.. and thru my speeches, house-to-house activities and immersion with the San Juanenos, I was actually able to do that.... winning would just be a bonus.”