Janine parang nawalan ng ina kay Sheryl

MANILA, Philippines – Kokonprontahin ni Agnes (Sheryl Cruz) si Madel (Jean Garcia) tungkol sa isyu ng pagnanakaw.  Magagalit si Agnes kay Madel hanggang sa mag-away sila. Maitutulak ni Agnes si Madel sapat para mauntog si Madel at dumugo ang ulo. Agad namang makokonsensya si Agnes at siya pa ang magbabayad ng pagpapa-ospital ni Madel.

Lalong mawiwindang si Lukas (Joko Diaz) nang ipakilala sa kanya ni Celeste (Thea Tolentino) si Aldrin (Aljur Abrenica) bilang kanyang nobyo. Magtataka si Celeste sa bad remarks ni Aldrin kay Lukas.  Guilty si Lukas kaya magsisinungaling na lang para hindi maungkat ang pambabastos niya kay Des (Janine Gutierrez). Hindi na rin kikibo si Aldrin.

Masasabi ni Lukas kay Celeste na ayaw niya si Aldrin at dapat daw hiwalayan kaagad ng kanyang anak. Wala namang pakialam si Celeste sa utos ni Lukas sa kanya. Wala raw pwedeng makakapaghiwalay sa kanila ni Aldrin.

Magsusumbong si Madel kay Des tungkol sa pagsugod ni Agnes sa kanya.  Magi-guilty naman si Des dahil siya pa ang naging dahilan para awayin si Madel ni Agnes. Susubukang magpaliwanag ni Agnes kay Des pero sarado ang isip ng dalaga sa kanya.  Si Madel daw ang nanay niya at ito ang paniniwalaan niya.

On one hand, malungkot na magkwekwento si Des kay Daday (Analyn Barro) na para raw siyang nawalan ng nanay dahil napakabait ni Agnes sa kanya.

Ilan lamang ito sa mga dapat abangan sa Once Again, gabi-gabi pagkatapos ng Poor Señorita sa GMA 7.

 

Show comments