^

Pang Movies

Max napuno na sa panggugulpi ni Renz

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa bawat tatlong babae sa kasalukuyan ang dumadanas ng pang-aabuso at pananakit mula sa mga kalalakihan, madalas ay sa kanilang mga asawa o sexual partners.

Isa si Malen sa milyun-milyong babaeng ito na dumanas ng iba’t ibang uri ng pananakit mula sa kanyang asawa na si Eric, kilalang sundalo sa kanilang lugar.

Noong una’y inakala ni Malen na si Eric ay isang anghel ngunit ‘di naglao’y lumabas ang tunay nitong kulay. Mula sa sekswal na pang-aabuso, pisikal, at maging emosyal na pananakit ay naranasan ni Malen sa kanyang asawa. Ngunit lahat ng ito’y tiniis ni Malen dahil kahit papaano’y umaasa ito na magbabago ang asawa at dahil na rin ayaw niyang mawalan ng ama ang kanyang dalawang anak.

Ngunit sa paglipas ng panahon, lalong lumala ang pananakit sa kanya ni Eric. Hanggang isang gabi, hindi na nakapagtimpi si Malen mula sa pananakit ng kanyang asawa. Finally, ginawa ni Malen ang bagay na alam niyang matagal niya nang dapat ginawa. Isang maling hakbang na patuloy niyang pinagbabayaran sa kasalukuyan.

Itinatampok si Max Collins sa kanyang natatanging pagganap bilang Malen kasama ang batikang aktor na si Mark Anthony Fernandez bilang Eric.

Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, DGPI, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA 7.

vuukle comment

COSMO SKIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with