Naglabas ng kanyang hinaing si Robin Padilla sa mga nagdawit ng pangalan niya sa isinagawang drug raid sa isang bahay sa Angeles City, Pampanga last Tuesday.
Partikular na tinukoy ni Binoe ang GMA News at Inquirer na nag-mention ng name niya na diumano ay dati niyang pagma-may-ari ang bahay na ni-raid.
Sa comment section ay muling nag-post si Binoe at mas mahaba-haba ang litanya niya rito.
“Professional journalism is Responsible Journalism and Responsible Journalism is being (being) the truth not hearsay nor Sensationalize a Sensationalize news is propaganda and a black propaganda is a demolition job.
“Ano ba ang kasalanan ko sa Inquirer at sa GMA news? Hindi ako pulitiko at lalong hindi ako negosyante, isang hamak lamang akong artista na karangalan ang puhunan bakit kailangan dungisan ang pangalan ko?
“May kinalaman ba ito sa pagiging rebolusyonaryo ko? Masama na ba ngayon ang ipaglaban ang mga mahirap? Ang maniwala sa pagkakapantay-pantay? Ang itulak ang pagbabago sa gobyerno? ang kilalanin ang mga OFW sa kanilang kabayanihan? Ang maniwala sa kapayapaan at isulong ito? Saan po ba ako nagkamali at nagkasala para madamay sa ganitong klaseng krimen ng paggawa ng droga?” post ni Binoe na halatang masamang-masama ang loob.
Sinuportahan naman ang action star ng kanyang mga followers at halos lahat ay nagsabing hindi sila naniniwala. Marami rin ang um-agree na hindi na dapat na-mention ang name ni Binoe kahit pa totoong ito ang dating may-ari ng house dahil simply because hindi na nga siya ang owner ngayon.
Michael ayaw nang umarte!
Kahit maganda naman ang feedback sa acting ni Michael Pangilinan sa Pare Mahal Mo Raw Ako na nag-premiere last Tuesday night, ayon sa singer ay baka hindi na raw siya tumanggap pa ulit ng acting project.
“Naku, tita, ayoko muna,” he said. “Wala talaga akong talent sa ganyan, trinay (tried) ko lang talaga.”
So, ayaw na niyang umarte?
“Sa ngayon, ayoko na muna. Gusto ko, singing na lang talaga. Madali ang singing, pagkanta mo, tapos na.”
Nag-enjoy naman daw siya doing the film dahil kakaibang experience naman daw ito sa kanya.
“Super-enjoy po ako. At least, may experience na ako sa acting. At least, kung baga, may masasabi na ako sa anak ko paglaki niya na “uy, nagkaroon ako ng movie kahit papa’no”, and hindi ko po muna masasagot kung kaya ko (ulit) ngayon kasi sobrang hirap talaga, eh.
“Sobrang puyatan, script pa lang, kailangang pag-aralan, kailangan ng characterization, kung paano mo iintindihin ‘yung character,” he said.
Samantala, palabas na sa June 8 ang Pare Mahal Mo Raw Ako at dapat itong panoorin ng buong LGBT (lesbians, gays, bisexual and transgender) community dahil for sure ay makaka-relate silang lahat sa movie.