Michael Pangilinan at anak ni Gabby, may romansa na!

Bilib talaga kami sa pagka-honest ni Michael Pangilinan. Siya yata ang artistang nakilala namin na hindi uso ang denial dahil ‘pag totoo, inaamin niya agad.

Tulad ng pag-amin niya na last year na nakabuntis siya at magiging ama na siya, at ang pag-amin niya last February na siya talaga ‘yung nasa sex video, ang latest admission ng singer ay girlfriend niya na si Garie Concepcion na anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna.

Diretso ang sagot ni Michael nang tanungin siya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda kung sila na ni Garrie.

“Yes, Tito Boy,” he said.

“Ayoko nang paliguy-ligoy. Kung may ayaw sa akin dahil hindi ako perfect, kagaya nga ng sinabi natin, eh, tatanggapin ko, okay lang. Kung may mga magseselos or. .

“Actually, ang pagkakaroon ng isang pagmamahalan or isang kabiyak ng puso, hindi naman porke kapag sinabi mo ‘yan, parang wala ka nang pakialam sa iba.

“Mahal ko po kayo at mahal niyo rin po ako. Ginagawa lang po namin ito sa isa’t isa bilang isang inspirayon, bilang mas maayos ang buhay namin, at mas masaya kami sa isa’t isa,” pahayag ng isa sa bida ng pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako ng Viva Films.

As we all know ay binatang ama si Michael at ‘yun marahil ang pinupunto ng kanyang statement – na huwag mag-alala ang kanyang fans dahil hindi niya pababayaan ang kanyang anak kahit may GF na siya.

Ayon pa sa singer and first time actor, medyo matagal-tagal niyang niligawan si Garie at lalo raw sa pamilya ng dalaga dahil napakababait ng mga ito including her mom.

“Actually, nagulat ako kasi sobrang bait nila sa akin pareho at sobrang mahal nila ako. Sobrang mapapamahal ka talaga sa kanila dahil hindi ka nila tiningnan bilang. . .siyempre, sabihin na natin, tito Boy, ano sila (mayaman), sino lang ba naman ako?” pahayag pa ni Michael.

Nagpasalamat din si Michael sa pamilya Ibuna and Concepcion na tinanggap daw siya bilang boyfriend ni Garie.

When asked kung ano ang sasabihin niya kapag na-meet niya si Gabby, sagot ni Michael, “ipagpaumanhin niyo man po kung anuman po ang mayroon sa amin ng inyong anak. Pero iginagalang ko po lahat at minamahal ko nang mabuti ang inyong anak.”

Nag-guest si Michael sa TWBA para i-promote ang Pare Mahal Mo Raw Ako na showing na sa June 8. Kasama niya rin sa movie si Edgar Allan Guzman.

Paul Jake ayaw makialam sa paghahanda ng kasal nila ni Kaye

Matapos mag-propose ni Paul Jake Castillo kay Kaye Abad, inaasikaso na ng dalawa ang kanilang wedding dahil gusto na nilang agad-agad na ikasal.

Say ni Paul Jake sa guesting nila ni Kaye sa Magandang Buhay ay gusto na nilang magkaroon ng baby.

“Kailangan mamadaliin ‘yung wedding para, sana, makabuo ng baby,” say ni Paul Jake.

Sa ngayon ay namimili na ng right date ang showbiz couple.

“‘Yung fami­ly namin kasi believes in feng shui. We are trying to look for right date na papayag ‘yung feng shui,” he said.

Sabi naman ni Kaye, ayaw daw tumulong ni Jake sa pag-aasikaso ng wedding nila.

“Ayaw niya talagang tumulong, sabi niya, it’s a ‘bride thing’,” tila pagsusumbong ni Kaye.

Say naman ni Paul Jake, “syempre naman, ‘di ba? Tagal mo na pinaghintay ‘yan, ayusin mo ‘yan.”

Nagkatawanan tuloy.

Say ni Kaye, ayaw daw niya ng pastel colors when it comes to wedding gown. Gusto raw niya ay dark tones.

Ayaw din niya ng beach wedding at baka raw mag-church wedding na lang sila.

Simple lang daw ang gusto niyang theme. Ayaw niya ng puro flowers at gusto niya ay candles and lights lang.

Show comments