Do you know that one of the high-rated episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK), na naisa-himpapawid recently was the life story ni Venus Raj, who was crowned Bb. Pilipinas-Universe and, likewise, emerged runner-up sa Miss Universe?
Well, napaka-inspirational ngang talaga ang kuwento ng buhay ni Venus. Lumaki siya sa isang bukirin sa Camarines Sur.
Bagama’t mahirap lang sila, itinaguyod ng kanyang ina ang kanyang pag-aaral.
At habang nag-aaral sa isang university in Bicol nadiskubre siya ng isang talent scout.
And the rest, kumbaga is history.
This particular episode garnered for MMK more than 40% rating. Ganunpaman, the same MMK insider added, may mga iba silang episode na nag-rate ng more than 50%.
Now on its 25th years chronicling the lives of the Filipino people, MMK, more or less, has featured more than 1,000 episodes based on the letters sent to them by viewers of the show. Actually, not just from letter senders in the country, but Filipinos, too, abroad.
One of the high rated shows ng ABS-CBN na ipinalalabas via The Filipino Channel (TFC), MMK host Charo Santos-Concio will be traveling in key cities abroad, where there are overseas Filipino Workers (OFW), well, to share with them inspirational talk sa pamamagitan ng Kuwentuhang Kapamilya (KK).
Ang MMK’s Kuwentuhang Kapamilya ay magsisimula sa Madrid, Spain, June 25; then Hong Kong on July 24. Then New Jersey, USA, September 9; Alberta, Canada, September 11, and Japan October 16.
On July 6, Charo will have a get-together with Davaoeños.
Digong nag-congratulate sa pagiging ‘tulak’ ni Jaclyn!
Born to a poor family, na ang tanging naghahanap-buhay ay ang kanyang ina, since iniwanan sila ng kanyang foreigner father na Guck ang family name noong bata pa siya, ang pinakamimithing pangarap daw ni Jaclyn Jose ay ang makapag-perform sa Japan.
Nabalitaan daw kasi niya, from young Filipinos na nakapagtrabaho sa Japan, na doon ay talagang kikita siya. And money was desperately what she needed, para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang ina.
Joining showbiz was not an option for Jaclyn, even if her elder sister, Veronica Jones ay nag-aartista na noon.
Yet, noong dumating na ang opportunity sa showbiz, Jaclyn said she could not say no to it.
Pero, hindi raw niya pangarap from the start ang tanghaling star na star. Mas higit niyang hinangad na makilala bilang magaling na aktres.
Jaclyn is grateful as she has had the chance na makatrabaho ang ilang magagaling na director, kabilang na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Chito Roño. And, of course, Brillante Mendoza.
Si Direk Mendoza ang director ni Jaclyn sa pelikulang, Ma’Rosa, kung saan nanalo siya bilang best actress sa katatapos lang na Cannes Film Festival in France.
On why he think Jaclyn won the coveted Cannes Film Festival best actress trophy, considering na pawang magagaling rin ang foreign performers na kanyang nakalaban, Direk Mendoza quipped: “Napaka-natural ni Jaclyn umarte. And consistent ang naging portrayal niya of a drug courier, na kaya lang nasa ganoong hanapbuhay ay dahil kailangan.
“Nagsisilbing pantawid-buhay niya at ng kanyang pamilya, kabilang na ang isang anak na dalaga (na ginampanan ng tunay na anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann), ang kanyang kinikita sa alam niyang hindi magandang hanapbuhay na ang kanyang ginagawa.
No less than incoming President Rodrigo Duterte congratulated Jaclyn sa karangalang natanggap nito.
Sandara wala pa ring mahanap na BF sa Korea
Isang Filipino pa rin ang gugustuhin ng ngayo’y still loveless pa rin na Korean superstar na si Sandara Park.
Now known as plain Dara in Korea, Sandara was linked to a young Filipino actor, na ngayo’y ’di na active sa showbiz.
Dara was in town some months back to promote a Filipino retail brand clothing line.
She is currently shooting daw a Korean film, One Step. Her dream daw, though, ay ang makatambal si Vice Ganda sa isang pelikula.