Pagmumura ni Heneral Luna palabas na sa TV

Ipapapabas pala ng ABS-CBN sa June 11 ang Heneral Luna, ang surprise blockbuster movie ni John Arcilla.

Ang Heneral Luna ang Independence Day presentation ng Kapamilya Network bilang ipagdiriwang ng ating bansa sa June 12 ang kalayaan natin.

Sure ako na maraming bleep sa mga dialogue ni Heneral Luna kapag ipinalabas ito sa TV.

Mahilig magmura si Heneral Luna at sangkatutak ang mga mura ni John sa mga eksena nito sa pelikula na hindi puwedeng mapanood sa TV or else, magagalit ang MTRCB.

Pagmumura ni Digong namana kay Heneral Luna

Ikinukumpara si incoming President Rodrigo Duterte kay Heneral Luna dahil pareho sila na mahilig magmura.

Nakasanayan na ni Papa Rody ang magmura pero bulaklak na lang ito ng kanyang dila.

Harmless ang mga pagmumura ni Papa Rody kaya hindi affected ang mga tao na tunay na nakakakilala sa ugali niya.

Shocked lang ang mga sosyalera at prim and proper kay Papa Rody noong panahon ng kampanya dahil hindi sila sanay na makakita at makarinig ng malutong na pagmumura ng isang presidential candidate. Nagpakatotoo lang si Papa Rody dahil hindi siya plastik.

Willie nananaba

May mga nakapansin na tumaba si Willie Revillame na hindi nakapagtataka dahil happy siya ngayon.

Maraming dahilan para maging maligaya si Willie. Una, mata­as ang rating ng kanyang game show na Wowowin. Pangalawa, happy si Willie dahil marami ito na natutulungan, lalo na ang mga senior citizen na kaligayahan na ang mapanood siya sa TV.

Andi biglang nagka-pelikula

Muntik nang mag-quit sa showbiz si Andi Eigenmann dahil naguguluhan siya sa mga nang­yayari pero nagbago ang desisyon niya pagkatapos ng kanyang biyahe sa Cannes, France.

Big help kay Andi ang pagdalo niya sa 69th Cannes Film Festival dahil naging positive ang kanyang outlook sa buhay.

Nang bumalik si Andi mula sa Cannes, may project na naghihintay sa kanya, ang Camp Sawi ng Viva Films na kukunan ang mga eksena sa isang breath taking island sa Cebu City.

Viva Artists Agency contract star si Andi at kahit minsan, hindi siya pinabayaan ng kanyang mother studio.

Miss Manila may app na

Marami ang nag-download ng application para sa Miss Manila 2016, ang annual beauty contest ng City of Manila, Viva Live at MARE Foundation.

Sa mga gustong sumali, may chance pa kayo basta make sure na beauty queen material kayo, single at 18 hanggang 30 ang edad.

Show comments