^

Pang Movies

Sunshine at Karen nagbabala sa ecstasy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natutuwa kami sa nagiging participation nga­yon ng mga artista laban sa droga. Nauna nga naming nakita si Sunshine Cruz na nag-post ng warning at mga picture ng iba’t ibang klase ng tabletang ecs­tasy. Marami ang nag-share noon na mga kapwa niya artista. Nakita rin namin ang kaparehong post ng broadcaster na si Karen Davila.

Para sa isang kagaya namin, at marami pang kagaya namin na hindi alam kung ano ang hitsura niyang ecstasy, malaking bagay ang kanilang post. Kung hindi papaano ba namin malalaman kung ano ang hitsura ng droga na sinasabing pumatay sa limang tao sa concert sa Pasay. Mukhang candy pa pala.

Matagal na iyang ecstasy. Sinasabi ngang iyan din ang ginagamit ng maraming mga artistang kilala sa pagwawala sa mga bar at iba pang public places. Iyan ay isang “rich man’s drug”. Mahirap bilhin iyan ng mga istambay lang, isipin ninyo, 1600 pesos ang isang tableta. Napakahirap ding ma-detect iyan. Maaari nilang itago lang sa wallet kaya hindi makikita sa body search. Wala rin iyong amoy kaya hindi malalaman maski na ng mga sniffing dog. Nahuhuli nga ng K-9 ang ibang droga, kaya nga siguro nag-imbento na sila ng walang amoy talaga.

Sinasabing hindi lasing sa alak ang isang female star na nagwala noon, kasi wala naman siyang hawak na alak. Bote lang ng mineral water ang hawak niya. Iyan ay palatandaang ecstasy nga ang binanatan niya. Nagsimula raw kumalat iyan sa isang bar na noon ay pag-aari ng isang gay celebrity sa Taguig. Iyon ang dahilan kung bakit nauso iyan sa mga artista at mga modelo.

Ngayon nakita na natin ang pelig­ro niyan sa buhay ng isang tao. Nakita na rin natin ang peligro niyan sa career ng mga artista. Iyong mga tumitira ng ecstasy, bumagsak ang career. Hindi na nga kasi tama ang takbo ng utak eh. Iwasan na sana ng lahat iyan.

Showbiz kailangan na ng spiritual renewal!

Noong isang gabi nga, naging topic ng aming kuwentuhan ng pre­sidente ng Philippine Movie Press Club ang kanyang naging experience noong siya ay makasali sa Oasis of Love Community.

Isa iyang Catholic Christian community noon na sinalihan ng maraming taga-show business. Marami ang nagbago ng buhay dahil sa kanilang samahang iyan. Pinamunuan iyan noon ni Christopher de Leon. Maraming mga artista, director at mga producer ang sumali riyan. Nakakalungkot lang, mukhang hindi na sila ganoon kaaktibo ngayon.

Maraming mga artistang gumamit ng droga ang nagbago nang makasali riyan sa Oasis of Love noon. Marami ang tumino ang buhay.

Palagay namin, ang ganyang klase ng samahan ang kailangan ng show business, para mawala na iyang mga addict. Para rin matigil na ang mga palabas na nagpapakita lamang ng kahalayan. Para mapatigil ang corruption, lalo na ang lagayan sa mga award. Kasi kung mangingibabaw ang konsensiya, gaganda ang buhay.

Iyang droga ay narito na sa atin. Hindi lamang ecstasy. Mayroon pa ngayong tinatawag na “green amore”, mayroon pa ring “peach rock”, na sinasa­bing mas deadly pa sa ecstasy. Iyan daw ang kumalat talaga sa concert na iyon sa Pasay.

Kailangan na nga siguro ang spiritual renewal para mapigil iyan, nang hindi kailangang magpatayan ang mga nagbebenta at ang mga nagpapatupad ng batas.

vuukle comment

EVERT LLOYD AGPAWA

KURYENTE

QUIRINO ELECTRIC COOPERATIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with