Nakabalik na mula sa kanyang bakasyon sa United Kingdom ang Kapuso actress na si Kris Bernal at agad itong sumabak sa bago niyang TV project sa Kapuso network.
Sa kanyang Instagram ay pinost ni Kris ang photo niya na naka-period costume bilang si Gregoria de Jesus o mas kilala sa Philippine history as Oryang.
“Just arrived back in Manila last night. Today, I’m back to work too! Hihi! Bawal jet lag! #Oryang #GregoriaDeJesus” caption pa ni Kris.
Itong Oryang project ang follow-up sa pinagbidahan ni Kris na Little Nanay. Nakita nga naming nakikipag-meeting si Kris sa isang TV director at sa staff nito bago siya lumipad patungong London.
Excited si Kris para sa pagganap niya bilang si Oryang at habang nasa bakasyon siya ay nag-research daw siya tungkol kay Ka Oryang. Bukod sa naging asawa siya nila ng mga bayaning sina Andres Bonifacio at Julio Nakpil, kabilang siya sa mga kababaihan na nagkaroon ng mahalagang papel sa Philippine revolution.
Magpa-pastor kasi, Jan Manual ayaw nang maging bading
Dahil patapos na ngayong week ang That’s My Amboy, makakapag-concentrate na si Jan Manual sa kanyang pag-aaral na maging isang pastor.
Napagsasabay naman daw ni Jan ang pag-aartista at ang kanyang pag-aaral sa simbahan. Sa katunayan ay may ginagawa ring isang travel show si Jan para sa isang cable channel.
Ayaw magsalita ng patapos si Jan, pero sana raw ay huling gay role na niya ang ginawa niya sa That’s My Amboy.
Nakahanap na nga ng girlfriend si Jan at kasamahan niya ito sa kanilang church. Look-alike ito ni Rachelle Ann Go.