Richard at Sarah, aligaga sa birthday ng anak

MANILA, Philippines – Ang pagiging abala nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para sa 3rd birthday ng anak nilang si Zion.

Si Richard nga, kahit abala sa taping ng Ang Panday ng TV5, inaalam pa rin ang mga detalye para sa birthday party ni Zion.

Sa April 29 ang birthday ng kanilang anak, pero sa May 1 gaganapin ang kanyang Jurassic Park theme party somewhere in Makati City.

Aware si Zion na malapit na ang kanyang birthday at excited na raw ang bata para sa kanyang party.

Aktres na nagkaroon ng international celeb status, kailangan ng pagkakakitaan

Mali ang akala ng iba na napakayaman ng isang actress na nagkaroon ng international celebrity status dahil sa pagkakaroon ng stint sa isang international music channel.

Matulungin kasi sa pamilya at iba pang mga tao ang actress kaya hindi rin naman kalakihan ang kanyang naipon.

Actually, malaking bagay nga para sa kanya ‘yung pagkaka-include niya sa isang teleserye lately.

Pero ngayong matatapos na ang teleseryeng ‘yon, paano na kaya ang finances ni actress?

Ang dalangin nga ng mga kaibigan ni actress, sana raw ay mabigyan kaagad siya ng proyekto sa kanyang mother network.

Eh, mapili sa roles si actress at ayaw niya ng negatibong characters dahil nga sa spiritual beliefs niya, kaya medyo mahirap din siyang bigyan ng pagkakakitaan.

Barbie at Andre, mas bagay daw sa hapon!

Magtatapos na pala ang That’s My Amboy na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Sad na nga ang fans ng loveteam nila. Hindi rin kasi gaanong nagtagal ang nasabing primetime show compared sa Half Sisters nila noon na nasa afternoon slot.

Ang ibang afternoon shows kasi tulad ng Half Sisters nila noon ay tumatagal ng lampas sa isang taon kapag nag-rate, pero kapag primetime show, suwerte nang maka-6 months at kadalasan ay 3 months lang ang itinatagal.

Sayang, marami pa naman ang kinikilig kina Barbie at Andre sa That’s My Amboy.

Ang hiling nga ng fans, sana sa afternoon slot na lang ilagay ng GMA 7 ang next show nila.

Bagong girlfriend ni Jeron Teng, naispatan

Si Jeanine Tsoi sa Unimart sa Greenhills, San Juan noong isang araw.

Si Jeanine ang courtside reporter ng De La Salle University.

Si Jeanine rin ang napapabalitang bagong girlfriend ng DLSU Green Archer’s basketball player na si Jeron Teng, although wala namang confirmation na nanggagaling sa dalawa.

Nang ma-sight ng mga kaibigan ko si Jeanine, hinanap nila si Jeron at baka kasama siya ng dalaga, pero hindi naman nila nakita ang binata.

May pagkakataon kasing nakita ng mga kaibigan ko na magkasama sina Jeanine at Jeron sa Promenade, sa Greenhills din.

Nang may magtanong that time kay Jeron tungkol sa balitang magkasama nga sila ni Jeanine, nag-dialogue lang ang varsity player na walang masama lumalabas sila dahil pareho naman silang single.

Show comments