^

Pang Movies

Pelikula ni Epy Quizon na Unlucky Plaza, tinangkilik

Pang-masa

MANILA, Philippines – “Convincing characters, genuine scenarios and a fun amount of chaos…you can chalk up Unlucky Plaza as an indisputable win,” ang pagsasalarawan ng Esquire Magazine sa crime drama na ito na tinangkilik ng marami sa Toronto International Film Festival. 

Ito rin ang nagsilbing opening film sa Singapore International Film Festival, kung saan pinuri ang pagiging makubuluhan nito habang hindi nawawala ang entertainment value.  Ayon sa mga kritiko, “It is accessible but has something to say. It’s entertaining but has depth as well. This film really packs a punch.” 

Ipinakikita ng Unlucky Plaza ang paghihirap ng isang OFW sa bansang Singapore, na nauwi sa isang madilim na pangyayari.  Si Onassis Hernandez (Epy Quizon) ay isang single-father na may ari ng isang kainan sa Lucky Plaza (isang mall sa Singapore na dinarayo ng mga low-cost shoppers). 

Nang kumalat ang food poison scandal sa baha­ging iyon ng Singapore, bumagsak ang negosyo ni Onassis. Bunga nito, hindi na niya nagawang makabayad ng renta ng bahay at hindi na rin niya matugunan ang mga mumunting hiling ng kanyang nag-iisang anak. Lalo pang minalas si Onassis ng maging biktima siya ng isang financial scam kaya tuluyan na siyang nawala sa sarili at nang-hostage ng ilang katao. 

Mula sa award-winning director at playwright na si Ken Kwek, ang Unlucky Plaza ay nakakapukaw ng atensyon mula simula hanggang wakas ayon sa Toronto International Film Festival. Pinuri rin ito ng Hollywood Reporter “for tackling myriad linguistic, moral and cultural transgressions previously unseen in Singapore cinema.”  Tinawag itong “great movie” ng M Magazine Singapore dahil ito ang tipo ng pelikula na hindi mo agad makakalimutan.

Ang ipinagmamalaki nating si Epy Quizon ay tinanghal naman bilang Best Actor ng Unlucky Plaza sa International Film Festival Manhattan. “A very intense and talented actor…His acting comes from the gut and very instinctive,” ang pagsasalarawan ni Ken Kwek kay Epy. 

Saksihan ang husay at galing ni Epy Quizon sa Unlucky Plaza. Mapapanood na ito sa inyong mga paboritong sinehan simula April 20, 2016.  Distributed by Viva Films.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with