Ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto ang cover ng April issue ng YES! Magazine.
Perfect birthday gift para kay Bossing ang YES April edition dahil birthday niya sa April 28.
Bihirang magsalita at magpainterbyu si Bossing tungkol sa lovelife niya pero todo-kuwento siya nang makapanayam ng YES writers na naniniwala na malaki ang impluwensya ni Pauleen sa kanya.
Nasubaybayan ng lahat ang love story ng dalawa pero may mga bagong rebelasyon at kuwento ang mag-dyowa sa YES!
May-I-share ni Pauleen ang pakikipag-usap sa kanya ng mga anak ni Bossing bago sila nagpakasal. Nakatulong ang “dialogue” para lalong gumanda ang relasyon niya sa mga anak ng love of her life.
Kili-kili ni Jake, hinahalik-halikan ng mga Manilenyo!
Walang malisya ang kuwento ni Jake Ejercito na pati ang kili-kili niya, hinahalikan ng fans kapag nag-iikot siya sa Maynila at ipinangangampanya ang candidacy ng kanyang fadir na si Papa Joseph Estrada.
Kaloka rin ang fans ni Jake ‘ha? Kahit naman guwapo ang anak ni Papa Erap, hindi ko ma-imagine na hahalik ako sa kili-kili niya.
Pero kanya-kanya ng pantasya at fetish ang fans na tiyak na giliw na giliw kay Jake na malakas din ang karisma gaya ni Papa Erap.
Mga tagahanga naalarma Maine nag-make face raw sa fan na nagpa-picture!
Bothered ang fans ni Maine Mendoza sa kumakalat na kuwento na nag-make faces ito pagkatapos magpakuha ng litrato ng mga tagahanga na natsambahan siya sa isang restaurant sa Quezon City.
Parang wala naman sa karakter ni Maine ang mang-okray ng fans at sa totoo lang, ugali niya na mag-make faces kahit nasa harap siya ng mga television camera.
Baka na-misinterpret lang ng eyewitness ang ginawa ni Maine na mabait makitungo sa fans. Kita n’yo naman, hindi nagalit si Maine sa isang tagahanga na itinulak siya at nakunan ng video.
Naging OA ang female fan dahil na-excite ito nang husto nang ma-sight niya nang personal si Maine.
May mga CCTV camera sa restaurant at kung totoong nag-make faces si Maine, puwedeng i-review ang mga CCTV footage para malaman kung sino ang nagsasabi ng the truth and nothing but at para mapanatag na ang mga nababagabag na damdamin ng loyal supporters ni Yaya Dub.
‘Wag palilinlang sa April 1’
Dapat mag-ingat ang lahat dahil April 1 ngayon na mas kilala bilang April Fools Day.
Huwag basta magpapaloko sa kapwa at maniniwala sa kanilang mga pralala.
Dati nang maraming manloloko sa paligid pero mas marami ang mapagsamantala tuwing April 1.
At kahit hindi April Fools Day, huwag magpapadala sa matatamis na dila at pangako ng mga kandidato, artista man sila o hindi. Kadalasan, mas eklayero pa ang mga pulitiko kesa mga artista na kumakandidato para sa iba’t-ibang posisyon.