Mayor Erap takot multuhin ni FPJ!
Pormal nang inendorso nitong Lunes (Marso 28) ni ex-President at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kandidatura ni Sen. Grace Poe na anak ng kanyang yumaong bespren na si Da King Fernando Poe, Jr.
“Ang akin at marahil magiging kandidato n’yo rin bilang pangulo ay isang mabuti at mapapagkatiwalaang tao.... Tulad ng kanyang ama, siya’y mahal ko rin at bahagi ng aking buhay,” sey ni Erap nang ipakilala ang inaanak sa mga tagasuporta sa kanyang proclamation rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Nagpasalamat naman si Grace sa kanyang Ninong Erap at biniro pa ito tungkol sa posibleng rason kung bakit siya ang pinili ng alkalde ng Maynila bilang pambato na maging pangulo ng bansa.
“Ninong, kaya mo ba ako inendorso ay dahil natatakot kang multuhin ka?” pabirong tanong ni Grace kay Erap.
“Kasi yan ang palagi niyang sinasabi sa akin eh: ‘Baka pag hindi kita inendorso ay multuhin ako ng best friend ko,’” dagdag pa ng senadora sa gitna ng mga hiyawan ng mga tagasuporta ng alkalde ng Maynila.
Si Grace ay tumatakbong pangulo sa ilalim ng Partido Galing at Puso kasama ang running mate niyang si Sen. Chiz Escudero, ang nangunguna sa pagka-VP.
John nasa Probinsyano na rin
Si John Prats ang pinakabagong miyembro ng Ang Probinsyano serye ni Coco Martin. Mismong ang aktor ang nag-announce nito kahapon sa kanyang Instagram post.
Nag-post si John ng larawan ng mga eksena niya sa Ang Probinsyano kung saan ay gagampanan niya ang role na isang pulis.
Nag-upload din siya ng video ni Maja Salvador na wine-welcome siya sa serye.
Sa caption ng video ay nagpapasalamat si John kay Maja at sa Dreamscape Entertainment sa pag-welcome sa kanya gayundin ang katuwaan na finally ay makakatrabaho na niya si Coco.
Sa kasalukuyan ay umaani pa rin ng napakataas na ratings ang Ang Probinsyano.
Sa pinakahuling post ng Dreamscape, last Tuesday (March 29) ay pumalo ito sa 42.6% ratings ayon sa Kantar Media.
Dahil sa pangangalmot kay Luis, Alex nasita ni Ate Vi
Naaliw naman kami sa video ni Star For All Seasons Vilma Santos na sinisita niya si Alex Gonzaga sa pagkalmot sa kanyang eldest son, Luis Manzano.
Si Alex mismo ang nag-upload ng video at sa caption ay sinisita naman niya si Luis na “manunumbong”.
Say ni ate Vi sa video, “Cathy, si ate Vi ito, nanay ni Lucky, ni Luis. Balita ko panay daw ang kalmot mo sa anak ko. Alam mo mula pa nung maliit yan, hindi ko nasaktan yan, kahit papaano.”
Cathy ang nickname ni Alex dahil ang tunay niyang pangalan ay Catherine.
Sa caption naman ni Alex ay nakalagay, “Manunumbong ka talaga!!!!! Inabala mo pa si ate Vi!!! Pero happy ako sa dulo nung video may i love you sakin si Gov!!! Hihihi love all the Santos’ and Manzano’s except @luckymanzano.”
Princess Punzalan, level-up ang pagmamaldita
Matapos ang higit sa isang dekada, nagbabalik ang batikang aktres na si Princess Punzalan sa ABS-CBN bilang ang pinakabagong cast member ng top-rating drama na The Story of Us.
Gagampanan ni Princess ang isang karakter na tinatawag niyang “medyo kontrabida” bilang si Clodette, ang ina ni CJ (Bryan Santos).
Sumikat si Princess bilang si Selina, ang iconic na kontrabida sa 1997 teleseryeng Mula sa Puso.
Aniya, tinanggap niya ang bagong proyektong inalok ng ABS-CBN sa The Story of Us dahil gusto niya ang role niya dito – isang babaeng gagawin ang lahat makuha lang ang kanyang gusto.
“Although I would say that Clodette is not black like Selina. Overprotective lang si Clodette bilang isang ina at hindi lang magkatugma ang mga gusto niya ng kanyang anak,” sabi ni Princess.
“Flattered ako na inaabangan ang pagbabalik ko at sana ma-satisfy ko ang audience sa performance ko. Lagi akong excited na magtrabaho at mag-perform sa harap ng camera. Acting ang first love ko,” ibinahagi niya.
Kung ano ang papel na gagampanan ni Clodette sa love story nina Tin at Macoy (Kim Chiu at Xian Lim), yan ang dapat abangan.
- Latest