MANILA, Philippines - Ang intrigang mas malakas daw compared to Gov. Vilma Santos-Recto ang kalaban niya sa pagka-representative ng Lipa City na si Mrs. Bernadette Sabili na misis ng mayor ng nasabing lugar, si Mayor Meynard Sabili.
Marami raw nagawa para sa Lipa City si Mayor Sabili, kaya nahahatak daw ng popularidad nito ang misis na kalaban ni Gov. Vilma sa pagka-congresswoman ng kanilang lugar.
Sabi naman ng ilang malalapit kay Gov. Vilma, intriga lang daw ‘yon dahil nananatiling favorite ng mga taga-Lipa ang actress/politician.
Well…
Matchmaker ng mga artista at basketbolistang pa-booking, nagpapa-presyo bago dumaldal
Ang banta ng isang “matchmaker” na ibubuking niya ang mga artista at basketball players na pa-“booking”.
Ang nakakaloka lang, his lips will not be sealed anymore if the price is right daw.
Naloka ang isang entertainment press dahil for a generous amount ay saka lang daw magsasalita si “matchmaker”!
Alonzo naturuan ng tamang PR
While watching Ang Panday sa TV5 noong Tuesday, tinext ko si Niño Muhlach dahil ang galing-galing ng anak niyang si Alonzo Muhlach na umiiyak sa isang eksena ng fantaseryeng pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Maya-maya lang ay tumatawag na si Niño.
“Thank you!” sabi ng tatay ni Alonzo at nagkomento pa ako na mas magaling sa kanya ang anak pagdating sa pag-arte. “Totoo naman!”
Pinasa ni Niño kay Alonzo ang telephone at nag-thank you sa akin ang bata.
Magaling ang PR sa press ni Alonzo dahil tinuturuan siya ng kanyang tatay.
Actually, kahit madalas na sabihang stage father si Niño ay okay lang sa kanya dahil supportive naman talaga siya sa career ng kanyang anak.