Natuloy na rin ang pagbisita ni Heart Evangelista sa Bacolod City last Thursday para ipangampanya ang kanyang husband, ang leading vice-presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero.
Ayon kay Heart, last week pa dapat siya pupuntang Bacolod pero dahil nga nagkasakit siya, ikinansel ito ng mister.
“Yes, pupunta akong Bacolod dapat, eh nagkasakit ako, so iniyakan ko siya, medyo sumama loob ko dahil sabi niya (Sen. Chiz), “magpahinga ka na lang.” So ako talaga ‘yung gustong pumunta,” kwento ng aktres.
Say pa ng aktres, gustung-gusto nya talagang tumuloy papunta sa Bacolod pero si Sen. Chiz mismo ang nagsabing i-cancel na lang muna ang pagdalaw sa siyudad, para nga naman makapag-rest ang kanyang misis.
Matapos magpahinga, eh natuloy naman si Heart sa Bacolod.
Sa isang panayam, nalungkot naman si Heart para sa mga nasunugan sa Bacolod City noong March 1 na tumupok sa 50 mga kabahayn sa siyudad. Umabot P700,000 ang halaga ng mga nawalang bahay at ari-arian ng mga biktima.
Ayon kay Heart, alam niya ang pakiramdam ng mga nasunugan dahil minsan na ring nabiktima ng sunog ang kanyang pamilya.
“So unang-una sa lahat, nakaka-relate po ako diyan kasi yung bahay po namin kung saan po lahat ng, ‘yung mga memories po namin nung bata kami, nasunog at nawala lahat. ‘Yung naisalba lang ng tatay ko yung mga aso namin at I’m glad dahil okay siya. Kaya naramdaman ko na rin mawalan ng lahat-lahat, lahat ng pinag-ipunan mo, lahat ng pinaghirapan mo, lahat ng shinare niyong memories with each other,” ika ng aktres.
Nagbigay naman ang aktres ng paalala, lalo pa nga at ang Marso ay Fire Prevention Month.
“Always remember to be smart. ‘Yung kandila, simpleng bagay lang ‘yan kaya kapag hindi n’yo ginagamit patayin n’yo. Kuryente n’yo kapag hindi n’yo ginagamit patayin n’yo, pati gasul, hindi ba?,” paalala ni Heart. “Huwag kayong masyadong ma-relax. Minsan, nare-relax tayo masyado kapag nasa bahay, nae-enjoy natin masyado ang mga teleserye pero ‘yung niluluto nakakalimutan.
“Ganun lang din naman yun, kailangan, always think in advance, be smart and be careful and always pray,” dagdag pa ni Heart.
Tito Sotto pumiyok sa rape case ni Pepsi Paloma
Nilinaw ni Sen. Tito Sotto sa kanyang panayam sa DZMM last Thursday na walang katotohanan ang napakatagal nang tsismis na may kinalaman siya sa gang-rape case ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
In-upload ng ABS-CBN news online ang video ng naturang panayam at doon ay makikitang tinanong si Sen. Tito ng anchor kung totoo na ginamit niya ang posisyon para pakialaman ang Pepsi Paloma case.
Ayon kay Tito Sen, wala raw itong katotohanan.
“Una, 1988 po ako naging vice mayor ng Quezon City. Matagal na hong wala ‘yung kuwentong yun, 1982 ho yung kuwentong ‘yun, eh. So, wala ho akong pakialam sa isyung iyan nung araw.
“At saka noong araw ho ‘yun para ho sa kaalaman ng lahat, pinakamaganda na nabanggit n’yo ‘yan, ano ho ‘yun, eh, gimik ho ni Rey dela Cruz ‘yun. Hindi ho totoo yun,” pahayag ni Tito Sen.
Si Rey dela Cruz ang dating manager ni Pepsi na pumanaw na rin years ago.
“Pinagtangkaan nilang magkaso sapagkat tinira sila ng libel nina Vic (Sotto) at Joey (de Leon). Idinemanda sila ng libel kaya pinagtangkaan nilang balikan ng kaso. Pero makikita n’yo naman sa nangyari pagkatapos, wala naman talaga dahil gimik nga ni nasirang Rey ‘yun.
“Pagkatapos, mayroon pa akong nababasa sa Facebook na kaya raw nagpakamatay ‘yung si ganu’n (Pepsi), hindi ho, droga po ‘yun,” pahayag pa ng Senador.
Mga naninira lang daw ang nagbabalik ng lumang issue na ‘yun pero wala raw itong katotohanan.