Hindi na pala tuloy ang “sabong” ngayong araw na ito ng JaDine loveteam versus Alden Richards, kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.
May concert ang JaDine sa Smart Araneta tonight habang sa Philippine Arena naman ang show nina Alden, Jose, Wally at iba pa. In-announce kahapon ni Alden sa Eat Bulaga na postponed ang show sa ibang araw. Pero ‘yung nakabili ng tickets, honored din once matuloy nang talaga ang show.
Good move siyempre ang postponement sa show sa Phil. Arena. Matagal nang nakakasa ang JaDine concert sa Araneta. Sold out na yata ‘yon dahil matagal na itong nakaanunsyo, huh!
Eh sa ngayon kasi, after ng AlDub loveteam, ang JaDine tandem ang kasunod nila pagdating sa suporta, huh!
Pero dalawang endorsement sa Amerika ‘di pa raw nakikisawsaw Pacman sinibak na ring endorser ng Pistachio’s
Si Manny Pacquiao pa rin ang hottest item! Matapos siyang sibakin ng Nike, ang latest endorsement na umayaw na diumano sa kanya na lumabas sa isang report ay ang Wonderful Pistachio’s, huh!
Pero ayon naman sa kampo ni Pacquiao, may dalawa pang US products niya ang hindi pa sumasawsaw sa isyu.
Sarap basahin ang bakbakan ng netizens na pro at against sa Pambansang Kamao. Parang boksing din. Matira ang matibay hanggang 12th round!
Kung nananawagan ng boycott kay Vice Ganda, may pumuri naman kay Allan K na kahit alipustahin ay hindi bumubuwelta, huh!
Sa mga pulitiko naman, wala pang direktang pahayag si Senador Grace Poe sa pahayag ni Manny, suportado naman niya ang laban ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender Community.
Saludo rin siya sa mga talento nila dahil nga lumaki siya sa industry na pinagtatrabuhan ng maraming members ng LGBT, huh!
Basta kapag nahalal bilang Presidente, ipaglalaban nila ng VP candidate niyang si Sen. Chiz Escudero ang Anti-Discrimination Act. “Hindi ko papayagan na magkaroon ng diskriminasyon sa aking administrasyon dahil lahat tayo, Pilipino tayong lahat at pantay-pantay tayo ng karapatan!” rason ni Sen. Poe.
Bubble Gang may libro na rin
Nabahiran man ng lungkot ang cast ng GMA 7 gag show na Bubble Gang (BG) dahil sa pagkamatay ng director nilang si Uro dela Cruz, nais ialay ng mainstays ng program ang bawat Biyernes ng gabi sa taong naging bahagi na ng kanilang buhay sa loob ng 20 taon.
Sa isang banda, ikinatuwa ng grupo ng BG na inabot ng director ang 20th year nito. Kaugnay ng taong ito, naglabas ng commemorative gag book ito na IMB: I Am Bubble Gang na alay nila sa kanilang viewers at supporters.
Pero hindi nagtatapos sa book ang sorpresa ng gag show. Sa darating na Lunes kasi, Pebrero 22, magkakaroon ng book signing para sa lahat ng fans na bumili ng book. Gaganapin ito sa Trinoma Activity Center at pangungunahan ni Michael V. ang book signing kasama ang iba pang cast ng BG. 5p.m. ang start ng registration at ang book signing ay 6-9p.m.