Alang-alang sa career Kiray nagsinungaling sa nagpaaral na madre!

Nakita raw sa dyaryo ng madreng nagpaaral kay Kiray ‘yung kissing scene nila ni Derek Ramsay sa Love Is Blind. Buti nga lang daw, hindi niya makita ‘yung pictures dahil may kalabuan na ang mga mata nito.

“Kinabahan nga ako kasi nga, ayaw niya ng mga naghahalikan. Siyempre, madre ‘yon. At saka hindi niya maimadyin.

 “Hindi po kasi siya sanay kasi since three (years old) po, kilala na nila ako. So feeling nila, baby girl ako forever sa kanila. Buti hindi niya masyadong nabasa kasi malabo ang mata niya. Pero sabi niya, may movie ka pala kasama sina Derek. ‘Opo, wala po akong ginawa doon! Mabilis lang ang character ko!’ Ganoon. Buti na lang hindi niya nabasa. Hindi ko na lang tsinika,” pahayag ni Kiray sa media-con ng Love Is Blind last Wednesday.

Iimbitahan daw niya ‘yung madre na manood ng movie. “Pero doon po kami sa ibaba! Para po sobrang labo talaga (ang makita niya)! Ha! Ha! Ha!” sey pa ng komedyana.

Dalawa ang madre na nagpaaral sa kanya pero namatay na ‘yung isa.

 “Kaya ‘yung isa na lang po na nagpaaral sa akin. Tinawagan niya ako. Pero sabi niya sa akin, ‘Mayaman ka na ba?’  Sabi ko, pag mayaman na ako, bibilhan kita ng kotse. Sa isang madre, pangako ko, van. Sa kanya, truck nu’ng bata ako. Gaga talaga ako nu’ng bata. Truck?

 “Bilang wala na ‘yung isa, sabi ko van na ang ibibigay ko. Pag nai­bigay ko na ang van, ibig sabihin, sobrang yaman ko na! Pero hindi ko pa nabibigay.

 “Natuwa siya siyempre. Akala niya, nu’ng nag-Rated K ako, bahay ko ‘yung kina Mother Lily! Sabi niya, ‘Kelan ka pa nag-condo?’ Sabi ko, pampaganda lang ng image! Ha! Ha! Ha!

“Pero ang talagang goal ko, makabili ng bahay!” diin ni Kiray.

Sa totoo lang, after ng Love Is Blind, inihahanda na ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang follow up movie ni Kiray na I Love You To Death na isang horror-love story.

Anyway, ngayong gabi, Biyernes, ang premiere night ng Love is Blind sa SM Megamall.

Game 7 ng PBA, tinambakan ng infomercial ng isang presidentiable

History ang panalo ng San Miguel Beermen sa katatapos na season ng PBA. Tinalo nila ang team ng Alaska sa Game 7 nu’ng Miyerkules na nakatatlong panalo bago nagapi ng Beermen sa 7th game. Beer-acle ang naganap sa history ng PBA.

Siyempre, most watched ang 7th finals game. Kaya naman tambak ang mga commercials, huh!

Napansin lang namin, na mula first hanggang third quarter, infomercial lang ng isang presidentiable ang lumalabas, huh! Waley ‘yung ibang aspirants na inilalabas ang ad, huh!

Pagdating lang ng fourth quarter at saka naglabasan ang infomercial ng ilang presidentiables! Siyempre, sumisigaw ng hustisya ang ilang kandidato dahil nalamangan sila sa exposures ng isang presidentiable, huh!

Shy nawawala ang kaba ‘pag katabi si Mark

Kumakabog na ang dibdib ni Shy Carlos dahil bukas, Sabado, ang simula ng fantaserye niyang Tasya Fantasya sa TV5. First time nga namang magbibida ng Viva star kaya mixed emotions ang nararamdaman niya!

Nawawala lang ang daga sa dibdib ni Shy kapag nandiyan na sa tabi niya ang guwapitong si Mark Neumann. Kumpara sa nali-link sa kanyang lalaki, ‘di hamak na mas malakas ang dating ng Kapatid star, ‘di ba?

Simula na nga ng mga pasabog na shows ng Viva Communications sa Kapatid Network. After Tasya Fantasya, nariyan ang glossy drama na Bakit Manipis ang Ulap?, Wattpad Presents at ang singing search na Born To Be A Star.

Next week, ipapasilip na sa media ang pinakamagastos na TV series ng Viva, ang Ang Panday ni Richard Gutierrez kung saan ibang-iba ang makakalaban ng bagong Panday na sinulat ni Carlo J. Caparas.

 

Show comments