MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng 2016, number one pa rin sa buong bansa ang Kapuso Network ayon sa TV ratings ng Nielsen TV Audience Measurement.
Bunga ng malakas nitong performance sa daytime blocks, nakapagtala ang GMA ng 37.5 percent sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) noong Enero (kung saan base sa overnight data ang Enero 24 hanggang 31).
Mga pambato rin ng GMA ang namayagpag sa listahan ng top 30 programs (including specials) sa NUTAM, Urban Luzon at Mega Manila.
Number one program sa Urban Luzon ang Pepito Manaloto habang nanguna naman ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa Mega Manila at ito rin ang highest-rating Kapuso show sa NUTAM.
Maganda rin ang naging pagsisimula ng taon para sa iba pang Kapuso shows tulad ng Magpakailanman, Eat Bulaga, Marimar, 24 Oras, Ismol Family, Sunday Pinasaya, at Little Nanay.
Hindi naman nagpahuli ang Because of You, That’s My Amboy, Celebrity Bluff, Wowowin, 24 Oras Weekend, The Half Sisters, Karelasyon, Kapuso Primetime Cinema, Vampire Ang Daddy Ko, IMBG 20 I Am Bubble Gang, Wish I May, Wanted: President, Buena Familia at i-Witness.
Dinaig din ng GMA ang ibang TV networks sa lahat ng timeblocks sa Urban Luzon at Mega Manila, kung saan matatagpuan ang karamihan sa urban TV households sa bansa.
Patuloy din sa pamamayagpag ang GMA sa balwarte nitong Mega Manila. Nakakuha ang Kapuso Network ng 44 percent.