^

Pang Movies

Ayaw talagang tantanan Grace Poe, gusto namang sampahan ng kasong perjury

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May nabalitaan ako kahapon na may nagbabalak na magsampa ng perjury case laban sa isang presidential candidate na ayaw tantanan ng mga intriga at kontrobersya.

Talagang gagawin yata ng political opponents ng presidential candidate ang lahat para hindi matuloy ang kandidatura niya.

Mabuti na lang, palaban at matatag ang presidential candidate na hindi nagpapatalo at nagpapaapekto sa mga paninira sa kanya. Itago natin siya sa pangalan na Senator Grace Poe.

Cesar parang walang matinding pinagdaanan ang hitsura

Bagets na bagets ang itsura ni Cesar Montano sa grand caravan show ng TV5 at Viva noong Linggo sa Market! Market!

Na-in love kay Cesar ang female audience nang ma-sight siya nang perso­nal. Nagulat ang mga ka­babaihan dahil guwapung-guwapo si Cesar as in pu­wedeng-puwede siya na makipagsabayan sa mga young matinee idol.

Walang-wala sa itsura ni Cesar na dumaan  siya sa matinding pagsubok ang kanyang personal life. Malaki talaga ang naitulong kay Cesar ng pagiging malapit niya sa Diyos dahil very positive ang kanyang aura.

Ang Bakit Manipis Ang Ulap? ang teleserye na ipino-promote ni Cesar kaya umapir siya sa grand caravan show ng TV5 at Viva.

Super promote si Cesar bago siya pumunta sa ibang bansa para asikasuhin ang maraming bagay na may kinalaman sa acting career niya. Magugulat na lang tayo kapag nag-decide si Cesar na i-share ang mga mangyayari sa kanyang professional life.

Wala nang mga negative issue laban kay Cesar Montano. Napagod na yata ang detractors niya sa pagkakalat ng mga paninira na walang katotohanan.

O baka naman tinamad at napagod na ang detractors ni Cesar sa paggawa ng mga fake social media accounts na ginagamit nila laban sa paninira sa kanya.

Wala nang naniniwala sa mga naninira kay Cesar dahil wala silang lakas ng loob na ipakilala ang sarili.

Claudine binabantayan na uli ni Raymart?!

 “Ang ganda niya”, ang reaksyon ng mga tao sa Market! Market! nang umak­yat sa stage si Claudine Barretto at kantahin nito ang Kahit Na, ang theme song ng Bakit Manipis Ang Ulap?

Napansin ng mga tao na nagbunga na ang pagbabawas si Claudine ng timbang dahil medyo pumayat na siya bilang pag­hahanda sa kanyang television comeback.

Habang nasa Market! Market! si Claudine, na-sight naman si Raymart Santiago sa  Bonifacio Global City Mall  na hindi kalayuan sa venue ng grand caravan show ng TV5 at Viva.

Gloc-9 malamang na mas bumongga pa ang career

Kung nag-homecoming sa Pilipinas si Pia Wurtzbach noong January 23, may-I-come home din si Gloc-9 sa Star Music.

Pumirma kahapon si Gloc-9 ng kontrata sa recording outfit na naka-discover sa kanya, ten years ago.

Minsan ko nang isinulat na si Enrico Santos ng Star Records ang discoverer ni Gloc-9 noong struggling singer/composer pa lamang ito.

Hindi akalain ni Gloc-9 na darating ang araw na magbabalik siya sa recording company na malaki ang naitulong kaya natupad ang pangarap niya na maging singer.

Nang i-launch ni Gloc-9 noong nakaraang buwan ang kanyang single na Pareho Tayo, hindi niya nabanggit ang good news na magiging recording artist na uli siya ng Star Music. Baka hindi pa tapos noon ang negosasyon kaya hindi pa nagkuwento si Gloc-9 tungkol sa bagong development sa kanyang recording career.

Sa tulong ng Star Music, asahan natin na lalong bobongga ang career ni Gloc-9 ngayong 2016 lalupa’t inihahanda na niya ang kanyang bagong album na may pamagat na Sukli.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BAKIT MANIPIS ANG ULAP

CESAR

CESAR MONTANO

CLAUDINE

GLOC

MGA

NIYA

SIYA

STAR MUSIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with