MANILA, Philippines – Ang last taping day ng Walang Tulugan with the Master Showman noong Friday night.
Tatlong episodes ang tinaped nang gabing ‘yon.
Hindi na nagkaroon ng farewell speeches ang mga naiwang hosts at co-hosts ni German Moreno (SLN).
Balitang sa February 27 ay may live telecast ang Walang Tulugan with the Master Showman sa Resorts World Manila bilang 20th anniversary at finale episode nila.
Ayon naman sa isang involved sa show, may iba raw sa kanila ang umaasang ma-i-extend pa ang Walang Tulugan o kaya kung mare-reformat man ‘yon ay masasali pa rin sila.
Regine at Pilita, nag-reunion
Sina Regine Velasquez-Alcasid at Pilita Corrales sa last taping day ng Walang Tulugan with the Master Showman.
Parang reunion na rin ‘yon nina Regine at Pilita.
Nagkasama ang dalawa sa Ang Bagong Kampeon ng RPN 9.
Grand winner sa Ang Bagong Kampeon si Regine at host naman si Pilita kasama si Bert “Tawa” Marcelo (SLN). Chona Velasquez pa noon ang isa sa artists ng Royals concert sa MOA Arena on February 13.
Martin ayaw pagkakitaan ang mga baguhan
Bukod sa hindi naniningil ng talent fee, tumutulong pa si Martin Nievera sa production side sa concerts ng mga mas bagong singers kapag kinukuha siyang mag-guest.
May pagkakataon pa na si Martin mismo ang sumusulat ng script ng mga concert na ‘yon.
Isa si Matteo Guidicelli sa madalas na tulungan ni Martin.
Kadalasan nga, nauuna pa si Martin sa concert venue para lang mag-sound-check.
Gusto ni Martin na kapag tumulong siya, ‘yung all-out na. ‘Yung bigay-todo talaga dahil bukal nga sa kanyang loob ang kanyang ginagawa.
Hindi rin daw siya naniningil dahil sa stature niya ngayon, hindi raw dapat pang pinagkakakitaan niya ang mga mas batang singer na tinutulungan niya.
Tinatanggap daw niya ang paggi-guest sa concert ng mga ‘yon para tumulong at hindi para kumita!
Ang ganitong ugali ni Martin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang title na Concert King.
Samantala, inaabangan na ang Royals concert ni Martin kasama sina Erik Santos, Angeline Quinto at Regine sa MOA Arena on February 13.
Alden ni-reject ang 20-M na offer para mag-concert
Umabot daw talaga sa 20 million pesos ang offer ni Joed Serrano kay Alden Richards para tanggapin ang concert na inaalok niya.
Tumanggi ang management team ni Alden sa offer ni Joed.
Naiintindihan daw ni Joed ang dahilang ibinigay sa kanya ng management team ni Alden.
Marami pa raw shows around the Philippines si Joed at may balak pa rin siyang kunin si Alden, hindi nga lang malinaw kung ganoong kalaking talent fee pa rin ang io-offer niya sa binata.