Sa ginawang interview nila Lola Nidora at Lola Tinidora kay Vic Sotto, halatang pinipigil nito ang maluha dahil sa sobrang saya niya sa kasal nila ng kanyang bride na si Pauleen Luna.
Hiningan siya ng mensahe at ang sagot ni Vic ay: “Thank you for loving me. Thank you for accepting me for what I am. ‘Yung mga pinagdaanan ko, tinanggap mo.”
At kung may pangako raw na ibibigay si Vic sa kanyang misis na si Pauleen, sey ni Vic ay: “Pangako ko na magsasama kami habang buhay.”
Sa mismong araw ng kasal ay doon lang daw nag-sink in kay Vic na totoo na pala ang kasal nila ni Pauleen.
“Noong umpisa kasi hindi ko pa nararamdaman, eh. Masyado kaming busy lahat tapos may tinapos pa akong movie.
“Pero noong papalapit na, doon ko na na-realize na heto na pala iyon. Totoo na ito.
“I am just thankful na may mga tumulong kay Pauleen sa pag-ayos lahat. Para maging totoo itong matagal na naming gustong mangyari.”
Para kay Pauleen naman, naging emotional ito dahil alam niyang bagong buhay ang papasukin niya. Pinakamahirap daw ay ang iwan nito ang kanyang pamilya dahil may asawa na nga siya.
“Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Never akong umalis sa bahay namin kasi gusto kong magkakasama kami.
“Mahirap humiwalay pero kailangan harapin ko ang bagong buhay na ito with Vic.
“I am ready to start a new life as his wife and thank you Vic for coming into my life.”
Dapat ay sa Paris daw ang honeymoon nila Mr. and Mrs. Sotto, pero sa Maldives na lang sila pupunta.
Sey ni Pauleen: “Sayang naman kasi kung ilang araw lang kami sa Paris. Maganda kung matagal-tagal kami doon ni Vic. Kaso kailangan bumalik kami agad dahil may trabaho kami. Kaya sa Maldives na lang para tahimik at maka-relax kami pagkatapos ng mga naganap sa wedding namin.”
Donnalyn sa YouTube lang napansin
Malaki ang pasasalamat sa Viva star ng kilalang Social Media Sweetheart na si Donnalyn Bartolome dahil sa pag-discover sa kanya via YouTube.
Ilang beses na raw nag-audition sa mga TV networks si Donnalyn, pero wala raw siyang suwerte. Gamit pa niya ang tunay niyang name na Donnalyn Mulawin.
Hanggang sa i-post niya ang isang video sa YouTube kung saan kumakanta siya at doon siya nakita at pinahanap ng mga tauhan sa Viva.
“When they tried to contact me, nasa Japan kami. Yung dad ko kasi palipat-lipat siya ng location for his job. Kapag na-destino siya sa ganitong country, kasama kaming lahat.
“So umuwi pa ako dito from Japan para makipag-meeting with Viva. Tapos ‘yun, they gave me a contract at naging artista na nila ako.
“I already came out with a single titled Kakaibabe that was included sa soundtrack ng Diary Ng Panget.
“Then Viva Records produced my first album titled Happy Break-Up. I also did a few music videos and I came out sa movies nila na Para Sa Hopeless Romantic and Your Place Or Mine.
“Now I’m in the movie Girlfriend For Hire with Andre Paras and Yassi Pressman,” ngiti pa niya.
Kasama rin si Donnalyn sa unang handog ng WattPad Presents TV Movie na magsisimula na sa February 6.
Bida si Donnalyn sa episode na Avah Maldita at kasama niya rito sina Ella Cruz at Akihiro Blanco.
Roselle hindi pa rin nawawalan ng raket
Hindi pa rin nawawala ang magandang tinig ni Roselle Nava kahit na ilang taon na ang nakalipas.
Kaya naman kinukuha pa rin si Roselle para sa mga special shows tulad na lang nitong Valentine show sa PICC Plenary Hall titled #LoveThrowback on February 13 kunsaan makakasama niya sina Rico J. Puno, Marco Sison, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Wency Cornejo and Nina.
Nakilala bilang isa sa mahusay na singers ng dekada ‘90s si Roselle dahil sa mga hit songs niyang Dahil Mahal Na Mahal Kita, Bakit Nga Ba Mahal Kita? at ang cover versions niya ng Say That You Love Me at You.
“I am happy na naaalala pa rin ng marami ang mga naging songs ko kahit na it’s been like 20 years na.
“Kaya special ang mga yan sa akin because it gave me a place in the industry. That’s why I am always happy to sing those songs all over again,” pahayag pa ni Roselle.
Nagsimula si Roselle sa teen variety program ng ABS-CBN 2 na Ang TV in 1992. Ngayon sa edad na 39, dalawa na ang anak ni Roselle sa kanyang mister na si Allen Tan.
Nagsisilbi siya bilang konsehal sa 1st district of Parañaque City.
Sa darating na eleksyon sa Mayo ay muling tatakbo si Roselle para sa kanyang 3rd term bilang konsehal.