Nagsalita na rin si Julia Clarete kung bakit ito biglang nawala sa Eat Bulaga.
Balita kasing naka-base na siya sa Kuala Lumpur, Malaysia kasama ang kanyang anak.
Hindi nga ito nakapagpaalam ng maayos sa fans ng Eat Bulaga. Sampung taon din siyang naging isa sa mga Dabarkads ng show.
Kaya hindi na pinalagpas ni Julia ang mag-explain ng kanyang pag-resign sa longest running noontime show ng bansa.
Kabilang sa dahilan ng kanyang paglipat sa Malaysia ay dahil sa kanyang British boyfriend na karelasyon niya for more than five years now.
Naghiwalay nga si Julia at ang ama ng kanyang anak na si Bean noong 2011.
“Mag five years na po kami ngayon. We decided na maybe we can move on and build something out of what we have. Mag level-up na kami.
“Yeah it’s gonna work out ang lapit lang ng Malaysia, hindi naman ‘to parang States na malayo, kailangan mo ng visa,” paliwanag ni Julia.
Mukhang may balak ngang magpakasal na ulit si Julia at gusto niyang naging tahimik na ang buhay niya kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa. Pinabulaanan din ni Julia na buntis siya.
“I would like to ask everyone to have the same wish for me na imbes po na malungkot kayo sana po pagdasal niyo po ako na maging buo na po ‘yung desisyon ko, maging masaya ako,” pakiusap ni Julia.
Jonalyn desidido nang mag-ober da bakod
Si Jonalyn Viray pala ang naba-blind item na singer na lilipat na sa ibang TV network.
Higit na sampung taon na isang Kapuso si Jonalyn pagkatapos na hirangin siyang kauna-unahang winner ng Pinoy Pop Superstar in 2005.
Naging bahagi rin si Jonalyn ng trio na La Diva na nabuo noong 2008 kasama sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.
Nabuwag ang grupo noong 2014 dahil si Jonalyn daw ang umayaw na sa grupo.
May dalawang taon na raw na nakikipag-negotiate ang manager ni Jonalyn para makalipat sa ibang network ito. Tinapos lang daw nila ang kanilang kontrata sa GMA 7.
Ayon sa isang talent coordinator ng GMA 7, ika-cast pa naman daw nila si Jonalyn sa isang teleserye, pero sinabi nga ng manager na hindi na puwede dahil lilipat na ito sa kabilang TV network.
Maricris ikakasal na
Ikakasal na rin ang Pinoy Pop Superstar winner na si Maricris Garcia sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Nag-post sa kanyang Instagram account ang Kapuso singer na suot ang engagement ring na bigay sa kanyang ng kanyang boyfriend of four years.
Ngayon ay fiancé na niya ito ay pinagpaplanuhan na nila ang kanilang magiging kasal.
“4 years ago you asked me to be your girlfriend.. And now 4 years after that you asked me another question, to be your partner for life.. (he didn’t really asked me though, nag-assume lang siya agad ng yes hahaha!)
“Thank you babe! For always making sure that I’m at my happiest, and that is when I’m with you.. I love you truly, madly, deeply!!!” caption pa ni Maricris.
Pagganap ni Joseph Fiennes bilang si Michael Jackson, binatikos
Marami ang nagulat sa pag-cast sa British actor na si Joseph Fiennes bilang si King of Pop Michael Jackson sa isang TV-movie titled Elizabeth, Michael & Marlon.
“A White Actor will play MJ. Because we aren’t whitewashed enough in Hollywood, apparently,” ayon sa isang netizen.
Ang kuwento ng Elizabeth, Michael & Marlon ay tungkol kina Elizabeth Taylor, Michael Jackson and Marlon Brando na nag-road trip sa araw na umatake ang terrorists sa New York on September 11, 2001.
“It’s a tongue-in-cheek, fun, light look at three wonderful characters that we know. Some say it’s an urban legend and our story basically says that it happened, maybe it happened like this and they’re stuck in a car for 500 miles as they drive to Pennsylvania and we get to hear some of the shtick that goes on,” ayon pa sa aktor na si Fiennes.
Ang gaganap na Elizabeth Taylor ay si Stockard Channing at si Brian Cox naman as Marlon Brando.