Darren naghakot ng anim na awards
Nagsilbing hakot boy si Darren Espanto sa first music awards ng Wish 107.5 FM radio station na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Tuesday ng gabi.
Nagulat si Darren dahil anim na award ang naiuwi nito - Wish Young Artist of the Year, Original Song of the Year – Stuck, Ballad Song of the Year - I Believe in Me, Best Wishclusive Performance by a Young Artist - Chandelier, Wishclusive Viral Video of the Year – Chandelier, Wish Young Artist of the Year.
Nanalo si Darren sa pamamagitan ng text votes na bukod sa mga title ay may cash din na napanalunan na ang P100-K ay mapupunta sa napiling beneficiary ni Darren na World Vision.
Matagal nang Ambassador ng World Vision si Darren.
Blessing para kay Darren ang mga award na natanggap sa pag-uumpisa ng 2016. Very thankful siya sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.
Mas lalo raw siyang ginanahan sa kanyang pagkanta ngayon. Thankful din si Darren sa kanyang MCA family at maging sa kanyang pamilya.
Ayaw naman patulan ni Darren ang issue tungkol sa kumakalat na video scandal. Hindi raw siya aware sa nasabing isyu.
Hindi ini-entertain ni Darren ang negatibong isyu at naniniwala siya na habang binababa siya ng isyu ay the more naman siyang itinataas ni Lord. Basta raw nagtitiwala siya kay God at alam niya kung ano ang totoo.
Sapat na raw na humakot siya ng awards na hindi naman niya hiningi, kundi ibinigay lang sa kanya bilang blessings at nagpapasalamat siya sa lahat ng Darrenatics na buo ang suporta at tiwala sa kanya.
- Latest