Para kay Meg Imperial, malayo ang mga tsismis na nababasa niya kay Claudine Barretto sa nakikita niya sa set ng pinagsasamahan nilang serye na Bakit Manipis ang Ulap?
May tsika nga kasing unprofessional si Claudine at mahirap katrabaho pero say ni Meg, so far ay wala naman daw siyang nakikitang ganu’n.
“Actually, ang bait niya kasi one time, may eksena kaming lindol, so siyempre, hirap na ‘yung back niya pero ako pa ‘yung inaasikaso niya, “okay ka lang ba?” tapos binibigyan niya ako ng parang vape na para mawala ‘yung alikabok, ‘yung ganu’n,” kwento ni Meg.
Maaga rin daw dumadating si Claudine sa set.
“’Pag tinawag siya ni direk (Joel Lamangan), nagri-reading na agad kami and talagang gina-guide niya ako. Kasi siyempre, Claudine Barretto na siya, sinasabayan ko ‘yung energy niya which is hindi siya ‘yung nang-aagaw-eksena na hindi ka bibigyan ng time to shine.
“So, sabi ko sa kanya, sobrang iba ‘yung naririnig ko,” say pa ng young actress.
Kumusta namang katrabaho ang leading man niya sa serye na si Diether Ocampo?
“Sobrang okay naman po and hindi naman po mahirap. Naninibago lang ako sa kanya kasi ang lalim pala talaga ng boses niya,” she said.
Tadtad nga raw sila ng love scenes ni Diet sa serye. Kamusta namang ka-love scene ang aktor?
“Okay naman po. Siguro po, minsan nadadala (si Diet sa love scene).”
Paanong nadadala?
“Teka, paano ba, ang hirap i-explain, ‘yung kiss kasi, minsan, feeling mo, parang aggressive, I don’t know if role ‘yun talaga na kailangan sa scene. Hindi ko kasi alam, kasi ako smooch-smooch lang,” natatawa niyang sabi.
So, parang aggressive humalik pala si Diet?
“Minsan, may time (na ganu’n). Siguro, ganu’n lang po talaga or iba-iba lang po siguro ang way, eh.”
Aside from Bakit Manipis ang Ulap? mayroon ding Wattpad Presents si Meg sa TV5.
Anne may bagong album na naman
Matapos sagutin ni Anne Curtis sa kanyang social media account ang malisyosong intriga tungkol sa kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at boyfriend na si Erwan Heussaff dahil na rin sa larawang nai-post sa social media kung saan ay makikitang nakayakap sa younger sister niya ang BF, nakapanayam naman siya ng media sa kanyang endorsement presscon last Wednesday at dito ay nagbigay ulit siya ng maikling statement.
“Just so you know, we are all okay. We are all good,” ang maikling pahayag ni Anne sa media tungkol sa issue.
Kung may intriga kay Anne na pumasok sa pagsisimula pa lang ng 2016, marami rin namang pumasok na blessings kaya excited ang aktres.
“Malapit na. Ang daming mangyayari. I have my children’s book coming out for UNICEF. Nagsulat ako ng children’s book and, of course, my album. I have my album coming out pa so abangan n’yo lahat ‘yan this February. (It contains) original songs. Hindi all, pero napakadaming original by legit singers that wrote for me,” pahayag ni Anne.
Natanong din siya tungkol sa muling pagbagon sa ratings ng It’s Showtime at say niya, “Of course, we are very happy about it but there’s no reason to make a big issue out of it. It’s just something that we are all enjoying. We are having fun with our new segment and the new members of our family.”