Award season na naman at sunud-sunod na ang pagbibigay ng iba’t ibang awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Katatapos nga lamang tumanggap ng People’s Choice Award sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) mula sa People Asia Magazine.
Kahapon, lumabas na ang mga napili naman ng Platinum Stallion Awards 2016 ng Trinity University of Asia Theatre at napili sina Alden at Maine bilang Most Valuable Male and Female Advertising Endorsers, ang Eat Bulaga as Best Noontime Show at ang Kalye’s Angels na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros for Value-Oriented TV Characters in Eat Bulaga.
Ang isang hinihintay na award-giving body na magbibigay ng awards ay ang Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).
Hanggang sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng official gross ng eight entries ang executive committee ng Metro Manila Film Festival 2015, so paano mabubuo ng producer ng GMMSF ang total box office returns ng lahat ng mga pelikulang ipinalabas noong 2015 kung ayaw magbigay ang mga theatres ng total earnings nila during the MMFF?
Ang tatanghaling box office winners ay magmumula sa iba’t ibang grupo ng theater owners, sa mga producers at sa MMFF.
Martin at Regine, hindi nagpapabayad ‘pag naggi-guest sa ibang concert
Pareho palang napaka-generous ni Concert King Martin Nievera at ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pagtulong sa mga kapwa nila singers, na kahit sinong mag-imbita sa kanilang mag-guest, kahit isang song lamang, sa kanilang concert, hindi nila tinatanggihan.
Iyon ang nalaman ng mga entertainment press sa presscon ng pre-Valentine concert, titled Royals na ipu-produce nina Anna Puno ng Starmedia Entertainment at Cacai Mitra ng I-Music Entertainment na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena on February 13 na susundan ng Valentine concert naman sa Waterfront Cebu sa February 14.
First time na magsasama-sama sa stage sina Martin, Regine, ang Philippine Prince of Pop, Erik Santos at Queen of Teleserye Themesongs, Angeline Quinto. Nai-guest na nina Erik at Angeline sina Martin at Regine sa kani-kanilang concert, at doon sinabi ni Erik na hindi tumatanggap ng talent fee si Martin, kahit daw gift na ibigay niya, ayaw nitong tanggapin, si Angeline naman, pinunit daw ni Regine ang tseke ng talent fee nito nang mag-guest sa concert niya kahit preggy ito noon sa anak na si Nate.
Bakit sila ganoon ka-generous sa mga kapwa nila singers?
“Parang paying-back iyon,” sabi ni Regine. “Natatandaan ko noong bago pa lamang ako nagsisimula, anytime na hilingan ko si Martin, o kahit si Pops (Fernandez) noon na mag-guest sa show ko kahit hindi pa nila ako masyadong kilala, hindi sila tumatanggi. Hindi rin sila tumatanggap ng talent fee. Kaya sana, ganoon din ang gawin ninyo, Erik at Angeline.”
“What is a song, it’s for you,” sabi naman ni Martin. “Hindi ganoon lamang naman ang pwede kong gawin para matulungan ang isang singer, lalo na kung isang Kapamilya. Gusto kong tumulong, because I want him to shine. Pwede akong sumulat ng script nila sa show, or mag-assist sa musical arrangement, sa background lang ako.”