Dama na may pinatutungkulan si Solenn Heussaff sa post niya kahapon sa Instagram na may kayakap na lalaki na hindi kita ang mukha. Pero sa caption niya, nakalagay ang, “OMG!!! Nakakaloka sila!!!! Magkapatid sila!!!! Soo groosss! At tingnan niyo shirtless pa si solenn!!! Full of malice!!!! #GawinNatinIssueTo #TayoNaClose #ATasteOfYourOwnStupidity”
Obviously, si Erwan ang kayakap ni Solenn. Brother niya na boyfriend ni Anne Curtis.
Eh sa mga nabasa namin sa dyaryo, galit na galit daw si Anne sa naglabasang photo sa snapchat na kasama ni Erwan si Jasmine Curtis-Smith, sister ni Anne. Halos mahalikan na ni Erwan si Jasmine. Mas lamang ang negatibong komento kesa sa positibo mula sa netizens.
Now comes the post of Solenn. Gaya ng komento ng ilang netizens sa Erwan-Jasmine pic, negatibo rin ang komento ng karamihan, huh! Iba raw ang yakapan ng magkapatid kesa yakap sa boyfriend sa kapatid ng girlfriend!
Isa sa komento ang, “Big difference…Ur siblings same blood…pero Jasmin and ur brother is not related…Masakit for ann kc pareho niyang mahal ung dalawa doble ang sakit…”
Oh, another hiwalayan (or hiwalay na) is coming up! Scandal pa more this 2016!
Erik at Angeline, nagne-necking na!
Wala pang makuhang kumpirmasyon ang press sa estado ng relasyon nina Erik Santos at Angeline Quinto nang muli silang humarap sa presscon ng Valentine concert nila na Royals kasama sina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid na ginawa sa Luxent Hotel.
Kaya naman sina Martin at Regine ang natanong kung may nakikita sila sa dalawa upang masabing boyfriend-girlfriend na sina Erik at Angeline.
“They’re very sweet to each other!” sambit ni Reg. “Kasi laging magkaganito (holding hands), oo. ‘Di ko pa nakikita mag-kiss!”dagdag ni Songbird.
“Wala ka sa kabila eh,” sabi naman ni Martin. “Sa ABS (CBN), nagne-necking sila!” biro ng Concert King.
“Nagne-necking? Oh, my goodness!” sakay naman ni Regine.
“Actually, they are very discreet. So if there is really something going on between them that we don’t know, I think, it’s gonna be a mystery for everybody. And that really adds.
“And more than anything, if there is any relationship, they’ve not confirmed it with us and if there is one, they want to keep it private so that it will not be all over the social network so you would become a part of the relationship.
“It’s so hard for a relationship that you want to brag about. Kasi after three or four months, it’s all over!” depensa ni Martin.
Sabad naman ni Regine, “Sa madaling salita, walang pakialamanan!” Hirit pa niya, ‘yung sa kanila raw ni Ogie (Alcasid), matagal din niyang itinago ang relasyon nila. “So walang pakialamanan! Ha! Ha! Ha!”
Kung sakaling aminin man nina Erik at Angeline ang relasyon, “Pareho naman silang single. I don’t think there’s anything wrong with that! Maliit lang ang circle namin at bihira kaming lumabas sa circle na ‘yon. Most of the time, ‘pag nagkakaroon kami ng relationship, sa same business din. Like me, I would fall in love with somebody in the same business!” katwiran ni Songbird.
Mapapanood ang Royals sa February 13 sa SM Mall of Asia Arena at sa February 14 naman, ang Cebuanos ang pasasayahin ng apat sa Waterfront Hotel and Casino.
Mula ito sa Starmedia Entertainment at I-Music Entertainment. Co-presentor ang PLDT at ilan sa sponsors ang Belo Medical Group, GAOC Dental, Zim, Farlin Baby products, McDonalds at iba pa.