Hindi rin pinalampas si Maine Mendoza sa pagkakaroon ng sinasabing scandal na naka-post sa trending news portal.
Nagagalit ang AlDub Nation dahil kahawig lang naman ni Maine ‘yung babae na may ka-partner na foreigner.
Katuwiran ng isang basher ni Maine na kung pagbabasihan ang make face na style na ginagawa ni Yaya Dub, parang ang ka-loveteam ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang nasa kontrobersyal na litrato.
Pinaghahanap ng AlDub Nation ang nagpasimuno ng pag-post ng scandal. Dapat ngang managot komo sikat na si Maine ay puwede na ring idawit sa ganyang issue.
Kaya nakikiusap ang iba na kahit hindi si Maine ang nasa scandal ay huwag nang ipagkalat dahil kawawa naman ang babae.
Nagagalit din ang AlDub Nation na umaapela na huwag sirain ang idol nilang si Yaya Dub dahil matinong babae si Maine.
Hindi naman nagri-react si Maine at wala ring naririnig na pagtatanggol ni Alden tungkol sa scandal. Sabagay, bakit pag-aaksayahan ng panahon ng dalawa ang basurang isyu, eh busy silang nagpapayaman sa kanilang mga commitments.
Darren hindi nakaligtas
Isa pang biktima ng diumano’y scandal ay si Darren Espanto na mas nakakagalit dahil menor de edad ang singer ng The Voice Philippines para gawan ng ganyang isyu.
Imposibleng si Darren ang lalaki sa scandal kahit pa sabihing kahawig nito ang binata sa video. Dahil maraming hikaw sa kaliwang tenga ang lalaking nasa kama na may kasama ring teenager na lalake.
Nakakahawig lang naman ni Darren ang lalaki dahil pareho silang maputi at singkit din ang binata sa video.
Kahit hindi ka fans ni Darren, maiinis ka rin dahil kawawa naman ang mga bagets na pinagpipistahan sa social media. Kahawig lang naman ni Darren ay gagawan pa ng isyu ang singer.
Shoppers dagsa sa 23rd Fiesta Fair Manila
Bultuhan ang shoppers kabilang ang trade at business personalities, propesyunal, entertainment, at sports celebrities maging ang karaniwang mamamayan sa 23rd Fiesta Fair Manila – ang pinakaaabangan at pinakamalaking post-Christmas clearance sale sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Ave., San Juan City.
Malayang sinuyod ng mga mamimili ang 1,400 stalls na pinatatakbo ng manufacturers, mall suppliers, importers, wholesalers, at retailers na naglatag ng pinakamalawak na sari-saring paninda sa iisang bubong - novelty items, giveaways, RTWs, jewelry, footwear, leather goods, undergarments, local arts at crafts, contemporary at antique furniture, home furnishings, cellphones at accessories at mga pagkain.
Ang isang buwang fair (Enero 8-Pebrero 1) ay inorganisa ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers (PATEPCO) na pinamumunuan ni “Tiangge King” Henry G. Babiera na masugid na tagapagtaguyod ng “Buy Pinoy Products” campaign ng pamahalaan at pinayabong ang karera ng mga nagsisimula at bagitong entrepreneurs. Unang inilunsad nung 1993, ang fair ay naging institusyon na at di nabigong akitin ang daan-dang shoppers mula sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan na hangad ay “value for their money” at isang lugar na sila’y makapamimili nang kumbinyente at ligtas.