Nagkita na rin ang magkaibigan na Pauleen Luna at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Nagkita ang dalawa sa araw ng pagdating ni Pia sa Pilipinas noong January 23.
Mabilis na pinost ni Pauleen ang photo nila ni Pia sa kanyang Instagram account:
“Visited the MOST BEAUTIFUL WOMAN IN THE WORLD, THE UNIVERSE RATHER, last night. Welcome home, P!” caption pa ni Pauleen.
Kasama sa pag-uwi ni Pia sa Pilipinas ang pag-attend nito sa wedding ni Pauleen sa comedian-TV host na si Vic Sotto on January 30.
Nabigyan ng permission si Pia ng Miss Universe Organization na um-attend ng wedding dahil isa ito sa bridesmaids ni Pauleen.
Matagal nang magkaibigan sina Pia at Pauleen. Sabay silang nag-workshop sa ABS-CBN 2 at magka-batch sila sa Star Magic.
Gown ni Pauleen sa kasal, very classic daw
Ang fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng wedding gown na isusuot ni Pauleen Luna sa wedding nito kay Vic Sotto on January 30.
Idinetalye nga ni Francis ang classic design na ginawa niya para sa wedding gown ni Pauleen.
“’Yung gown na idinesign ko for Pauleen is very classic kasi ‘yun ‘yung parang vision niya for her wedding gown.
“So ako, trinanslate ko lang into my design kaya it made my job more easier.”
Ikinatuwa pa ni Francis kay Pauleen ay alam nito ang gusto niya at kitang-kita niya na masaya ito na ikakasal na siya, kaya gusto nitong maganda ang kanyang isusuot na traje de boda sa espesyal na araw na iyon.
“Si Pauleen, she knows what she likes.
“’Yun ‘yung maganda kay Pauleen. Mag-suggest ka man, pero we go back again to the original.
“For a bride, very smooth sailing ‘pag kausap mo. Because may vision na siya.
“May direction na ‘yung gusto niya eh. She knows her body type, she knows what to cover, alam niya rin kung ano ang iha-highlight.”
Ramdam din ni Francis ang excitement kay Pauleen dahil ilang araw na lang ay magiging Mrs. Sotto na siya.
“Alam mo habang papalapit nang papalapit ‘yung wedding, si Pauleen medyo nari-realize niya it’s coming close already,” pagtatapos pa ni Francis Libiran.
Cast ng Friends, nagsama-sama na
Naganap na rin ang matagal nang hinihintay ng marami na reunion ng cast ng Friends.
After 12 years ay muling nagsama ang cast ng Friends na sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc at David Schwimmer.
Ang wala lang ay si Matthew Perry dahil nataon na nasa London ito para sa ginagawa niyang stageplay na The End of Longing.
Nagsama ulit ang cast para sa isang tribute ng NBC sa kanilang director na si James Burrows.
Sa Instagram post ng actress na si Kaley Cuoco, nakasama ng Friends cast ang cast ng The Big Bang Theory na sina Johnny Galecki, Simon Helberg, Jim Parsons at si Kaley para sa isang memorable photo.
“Can’t breathe #friends meets #bbt @bigbangtheory_cbs I died and went to heaven,” pag-caption pa ni Cuoco.
Sa naturang TV special titled Must See TV: A Tribute To James Burrows na eere sa NBC on February 21, bukod sa cast ng Friends at ng The Big Bang Theory, present din ang cast ng ibang naidirek ni Burrows na comedy series tulad ng Cheers, Taxi, Frasier, Will & Grace, Mike & Molly, Two and a Half Men at ng bagong series na Crowded.