Sa Everything About Her ay ginagampanan ni Vilma Santos ang role ng cancer patient pero sa totoong buhay, ayon sa Star For All Seasons ay allergic siya sa hospital.
“Alam n’yo sa totoo lang, takot ako sa sakit. Maski noong malaman ko ‘yung role ko rito, parang hiniling ko nga sa Star Cinema, “puwede ba, huwag n’yo na akong ipapalagay sa ICU”, parang allergic ako. Puwede namang idaan ‘yung eksena na hindi na ako kailangang ipakita sa ICU.
“Allergic ako, parang ewan ko, parang mamamatay talaga (ako), I mean, you know. Ayoko talaga. Nakiusap talaga ako, “huwag n’yo na akong ilagay dun o ‘yung mga delikadong kailangan pang ipakita if you have cancer. Hindi na kailangang i-cinematic pa ‘yun, ‘di ba?” sey ni Ate Vi.
Pero sa movie ay ibang klaseng cancer daw ang sakit niya at talagang pinag-aralan nang husto ni Direk Joyce Bernal para maipakia nang tama, pati raw kung saang parte masakit, kung gaano kasakit at iba pang detalye na dapat maipakita ng karakter ni Ate Vi.
Sa paliwanag naman ni Bb. Joyce, bone marrow cancer ang sakit ng karakter ni ate Vi, stage 3.
“Du’n sa karakter ni Ate Vi, naghanap po kami ng cancer na pinakamasakit para sa kanya,” paliwanag ni direk.
Pero ang maganda sa karakter niya, kahit may cancer na ay pustoryosa pa rin na tipong naka-red lipstick pa. May peg nga raw sila na totoong tao rito na ganu’n ang attitude kahit may big C na pero hindi na nila binanggit kung sino.
First time nina Direk Joyce at Ate Vi na magkatrabaho at say nga ng direktor, nabuhay daw ulit ang passion niya nang maka-work ang magaling na aktres kaya ang dami raw niyang gustong gawing projects ngayon for 2016.
Claudine limang taong inayos ang sarili bago ‘nakabalik’
Five years na nagpahinga sa showbiz si Claudine Barretto kaya naman sobrang excited siya sa bago niyang serye sa TV5 na Bakit Manipis ang Ulap? na produced ng Viva Entertainment.
“Ang tagal ko kasing parang inayos ulit ang sarili ko. Sa five years na ‘yun, talagang bahay, school, alaga lang ng kids, talagang naging normal ang buhay ko for five years which I will not trade for anything else.
“And then, nu’ng pagbalik ko po, sobrang saya, kasi ang ganda po ng naging pagtanggap sa akin ng press, ang ganda po ng pagtanggap sa akin ng mga co-actors ko sa pelikula at saka sa TV, at ‘yung fans po, lalo na po ‘yung fans sa social media.
“Nao-overwhelm pa ako up to now na parang excited sila para sa akin na nakabalik na po ako. And I’m really thankful and grateful,” pahayag ni Clau (nickname ni Claudine).
Sey pa ng aktres ay magtutuloy-tuloy na raw ang kanyang pagbabalik dahil okay na raw siya ngayon.
“Okay na ‘yung sa family, mas hindi mahirap sa akin na magtrabaho dahil mayroon naman akong pag-iiwanan ng mga bata ngayon. So, okay na lahat,” she said.
Yassi guwapung-guwapo kay Andre!
Okay lang kay Yassi Pressman na may iba pang ka-loveteam si Andre Paras kahit na nga ba siya ang una talagang kapareha ng young actor na nagsimula sa Diary ng Panget movie with Nadine Lustre and James Reid.
Ngayon kasi ay may iba pang ka-loveteam si Andre sa GMA 7 na si Barbie Forteza.
“’Yung sa amin naman po, sa amin ni Andre” say ni Yassi, “‘yung suporta po ng fans, parati pong nandiyan kahit po simula nung Diary (ng Panget) hanggang sa Wang Fam hanggang dito, andiyan po talaga sila lagi.
“Tapos po siguro, ‘yung pagiging blessed ni Andre, mas nakikita nila ‘yung loveteam nila as a blessing for him, na ang dami niyang projects, na ‘yun nga, gaya ng sabi ko kanina, guwapo kasi ang ka-loveteam ko, in demand siya, ganu’n. Hindi ko po nakikita na conflict siya,” say ni Yassi sa presscon ng Girlfriend for Hire na pelikula nila ni Andre under Viva Films.
Hindi ba sila nagkakadebelopan lalo pa nga’t they look good together?
“Of course, we both really love what we do and what we really have to do talaga is mag-entertain ng tao, magpakilig and of course, mag-iwan ng mga values po sa kanila as artists,” say ni Andre.
Wala naman daw pang nade-develop dahil nga naka-focus daw sila sa work.