Noong nakaraang January 20 ay nag-celebrate si Pia Alonzo Wurtzbach ng kanyang first monthsary bilang Miss Universe.
Oo, at isang buwan na pala ang nakararaan since nakoronahan si Pia bilang ikatlong Miss Universe from the Philippines.
Sa kanyang Twitter account ay nag-tweet si Pia ng kanyang thoughts noong first monthsary niya bilang Miss Universe.
“I can’t believe it’s been exactly one month since the #MissUniverse competition. I want to enjoy this forever!”
Ngayong January 23 ay darating sa bansa si Pia para sa kanyang homecoming.
Punum-puno ang schedule ni Pia sa pagdating pa lang niya. Marami siyang pupuntahan na mga ahensya ng gobyerno bilang courtesy call, kasama na rito ang Malacañang Palace kunsaan isa sa mag-congratulate sa kanya ay ang na-link sa kanya dati na si P-Noy.
Ang kanyang grand parade ay magaganap sa Lunes, January 25 at magsisimula ito sa Hotel Sofitel hanggang makarating sa Makati City.
Sa hapon naman ay may parade rin si Pia sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Sa Smart Araneta Coliseum ang simula at pagtatapos ng parada at sa naturang venue niya gagawin ang traditional Miss Universe walk na hindi niya nagawa sa Las Vegas dahil mali ang na-announce ng host na si Steve Harvey bilang winner.
Sa kanyang pag-uwi kasama sa itinerary ni Pia ang pagdalo sa wedding nila Vic Sotto at Pauleen Luna sa January 30.
Bibisita rin si Pia sa ilang mga institutions bilang parte ng kanyang charity work para sa Bb. Pilipinas Charities.
John magpapatawa naman
Ang bida ng pinaka-successful na indie film na Heneral Luna na si John Arcilla ay gagawa muna ng romantic-comedy via That’s My Amboy.
Gaganap ngang ama ni Barbie Forteza si John at first time niyang gagawa ng romcom sa buong career niya bilang aktor.
Maganda nga raw shift ito mula sa kanyang pagiging seryosong aktor sa pagiging palabiro at kengkoy na ama ni Barbie.
“Maganda ‘to kasi ibang-iba, isang magandang shift magmula doon sa Heneral Luna.
“Nagpapaligaya ka ng tao rito sa That’s My Amboy, nagpapatawa ka. Pero, although, si Heneral Luna naman talaga may pagka-witty din, ‘di ba?” ngiti pa niya.
Natuwa nga raw niyang katrabaho for the first time si Barbie.
“Iba ang kulit ni Barbie. ‘Yung kulit na hindi nawawala sa eksena, andun pa rin.
“Tapos ang sarap sakyan kasi very spontaneous, hindi pilit. At saka I think click kaming dalawa ‘pag naglolokohan kami.
“‘Yung comedy niya sakay ko agad. Tapos ‘pag meron akong sinabi, sakay din niya agad. Ang sarap ‘pag ganun nangyari. Kahit sa behind the scenes ganun kaming dalawa,”
Nakailang teleserye na rin si John sa Kapuso network. Pinakauna niyang drama series ay ang Valiente noong 1992.
Lumabas din siya sa Sugo, Boys Next Door, Gagambino, Sana Ngayong Pasko, Machete, My Beloved, at Genesis.
Ang pelikula nga niyang Heneral Luna ang ipinadala ng Pilipinas bilang entry sa Foreign Language category ng Oscars 2016. Pero bigo itong makasama sa final nomination.
Ang mga nakapasok ay Embrace of the Serpent (Colombia); Mustang (France); Son of Saul (Hungary); Theeb (Jordan) and A War (Denmark).
“Nakakapanghinayang na hindi tayo muli nakapasok. Siguro sa tamang panahon, mapapansin din nila ang mga dekalidad na pelikula natin,” pagtapos pa ni John Arcilla.