Barbie ayaw nang mag-ilusyon nang kung anu-ano!

Promise ni Barbie Forteza na ngayong taon ay hindi na raw siya magi­ging aggressive. Hindi na raw niya ipagpipilitan ang sarili sa anumang bagay.

Hindi raw tulad noong 2015 na push siya nang push, na-realize niya kung talagang para sa iyo ang isang bagay, ibibigay at ibibigay kahit ano pa ang mangyari.

Basta susunod lang daw siya sa flow at i-enjoy ang opportunities na dumara­ting sa kanya. “I won’t rush things this time,” diin pa ng aktres.

Samantala, isa si Barbie sa mga nakaka-miss kay Kuya Germs na supportive sa kanya at sa mga kasamahan niya mula pa raw Teen Hearts hanggang sa Sunday PinaSaya.

Pero mas nakilala niya si Kuya Germs sa palabas nitong Paroa noon sa Kapuso Network, hindi bilang TV host kundi bilang aktor.

Nakita raw niya kung gaano ka-professional si Kuya Germs na walang cut-off at kahit anong oras abutin ang trabaho ay walang reklamo ang Master Showman.

Hindi rin nalilimutan ni Barbie ang kindness ni Kuya Germs na tiyak daw ay babaunin din ng lahat ng mga nakasama ng pinakamamahal na TV host ng Walang Tulugan.

Shy natigalgal sa ugali ni Maricel

Tuwang-tuwa si Shy Carlos kay Maricel Soriano nang magkasama sila sa pelikulang Lumayo Ka Nga sa Akin na palabas pa ngayon sa mga sinehan at release ng Viva Films.

Nung una kasi ay kabado si Shy dahil mga bigating artista sina Maricel at Herbert Bautista. Kinatakutan din ni Shy ang sinasabing katarayan ni Maricel.  Pero nawala ang takot at kaba nito dahil napakabait ni Marya hindi lang sa kanya, kundi sa lahat ng kasama niya maging sa mga crew at staff ng nasabing pelikula. Gumaganap na anak nina Maricel at Herbert si Shy sa pelikula.

Sa isang interview, sinabi ni Shy na napaka-supportive ni Maricel at ito pa ang nagtuturo sa kanila kung paano umarte at gagawin sa kanilang mga eksena.

Hindi rin naringgan ni Shy na nagreklamo si Maricel at natutuwa ang dalagang aktres dahil nadadala siya sa husay na pag-arte ng Diamond Star.

Thankful si Shy na nakasama si Maricel at bilib siya kung gaano ito kabait at kahusay makisama sa lahat.

Show comments