Umiral na naman ang pagiging misteryosa ni Julia Clarete na biglang nag-babu bilang co-host ng Eat Bulaga dahil magma-migrate siya sa Malaysia.
Para iwanan ni Julia ang Eat Bulaga, tiyak na may dahilan na matindi at puwedeng may kinalaman ang pag-ibig.
Binigyan ng malisya ang agaran na pag-alis ni Julia sa Eat Bulaga pero may mga nagtaray at nag-dialogue na hindi na niya kailangan na magpaalam sa pamamagitan ng social media dahil hindi raw mararamdaman ang kanyang pagkawala.
Pagdating ni Pia inaabangan na
At dahil biglaan ang kanyang pag-alis sa Pilipinas, baka hindi na dumalo si Julia sa pag-iisang dibdib nina Pauleen Luna at Vic Sotto.
I’m sure, hindi mapapansin ang no-show ni Julia sa Pauleen-Bossing wedding dahil ang pagdating ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang inaabangan ng lahat.
Babalik sa Pilipinas si Pia sa January 23 para sa kanyang ticker tape parade, tribute show sa Smart Araneta Coliseum at sa kasal nina Bossing at Pauleen.
Ang pagdalo sa nalalapit ma kasal nina Bossing at Pauleen ang isa sa mga unang ipinagpaalam ni Pia sa Miss Universe Organization nang mapanalunan niya ang Miss Universe crown noong December 20, 2015.
Sandali lamang ang pananatili ni Pia sa bansa dahil kailangan niya na bumalik agad sa New York para sa kanyang sangkatutak na commitments bilang Miss Universe.
Aktor na namamakla para may ipang-droga, nagbabalik-showbiz
Nagbabalik-showbiz ang mahusay na aktor na nawala sa sirkulasyon dahil nalulong sa masamang bisyo.
Wish ko lang, tuluy-tuloy na ang pagbabago ng aktor na galing sa nakaririwasa na pamilya pero pumatol sa mga bading dahil kailangan niya ng datung para sa kanyang bisyo.
Twenty thousand pesos ang “asking price” ng aktor para sa sandaling kaligayahan at pinatulan ito ng mga bading na matagal nang pinapantasya siya.
Nalaman ang sikreto ng aktor dahil nagkuwento ang mga bading na proud na proud dahil na-take home siya noon.
Kuya Germs ipinamimigay din pati pangalan
Molina ang tunay na family name ni Kuya Germs pero ginamit niya ang Moreno dahil kasikatan ng aktor na si Oscar Moreno nang pumasok siya sa showbiz.
Si Oscar Moreno ang tatay ni Boots Anson-Rodrigo at ito ang nagkuwento na nag-alala si Kuya Germs nang gamitin nito ang Moreno.
Ang worry ni Kuya Germs, baka magalit ang tatay ni Mama Boots pero hindi ito nangyari. Nang mag-artista si Manila City Vice Mayor Isko Moreno, si Kuya Germs naman ang nagpahiram sa kanya ng family name na Moreno at hanggang ngayon, tinatanaw ito na malaking utang na loob ni Papa Isko.
Ang pagpapahiram ni Kuya Germs kay Papa Isko ng apelyido na Moreno ang katunayan na marunong siya ng pay forward kaya nagtagumpay ang kanyang pangarap na maging successful showbiz personality.