Alden makaka-score na kay Maine?!
July 16, 2015 nang mabuo ang phenomenal love team nina Alden Richards at Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza at ngayong Saturday, they are celebrating their 6th monthsary. At every week naman, nagsi-celebrate sila ng weeksary na nasa 26th week na. Anim na buwan na ngang sinasabi ng mga manonood kina Alden at Yaya na naging stress reliever sila, nagpapasaya araw araw, nakagagamot ng kanilang mga karamdaman, at nakaka-relate sila sa words of wisdom na ibinibigay ni Lola Nidora (Wally Bayola) kina Alden at Yaya, na sinusunod na rin ng mga tao.
Nasundan ito ng pagpasok ng endorsements nina Alden at Yaya na bago natapos ang 2015, almost 20 endorsements na ang nagawa nila solo at magkasama sila, at patuloy pa ring dumarating ang mga offers, ngayong 2016.
Pero hindi kulay rosas lagi ang paligid sa AlDub, parang maraming hindi matanggap ang mga blessings na dumarating sa kanila, maraming naninira, may nagsasabing flash-in-the-pan lamang ang kanilang kasikatan, hanggang kalyeserye lamang sila.
Isinama ng mga producers sina Alden at Yaya sa My Bebe Love with Vic Sotto and AiAi delas Alas. Nagtala ang movie ng highest opening day total income na P 60.4 million, wala na ang amusement tax.
Sad nga lamang na hanggang sa ngayon, hindi naglalabas ng official total income ng bawat pelikula ang MMFF executive committee.
Nakapasa kahapon si Alden sa pagsubok ni Lola Nidora na mag-Pinoy Henyo siya ng three correct answers na itinext niya kay Allan K. Win si Alden at tuloy ang date nila ni Yaya ngayong tanghali, kasama ang AlDub Nation.
Gloc-9 hindi galit sa mga namimirata ng CD
Hindi pa rin showbiz ang mahusay na rapper na si Gloc-9, sabi niya nang muling humarap sa entertainment press para sa launch ng kanyang second independent single na Pareho Tayo, ninenerbyos pa rin siyang humarap sa mga tao kung hindi ito ang regular gig na pinupuntahan niya.
Maganda ang lyrics ng song at may nakapansin na parang may hawig ang laman ng kanta sa campaign slogan ni senatoriable Isko Moreno na Alam Ko Po Iyon. Wala raw namang lumalapit sa kanya para humiling gamitin ang song niya.
“Tuwing gagawa po ako ng kanta, lagi kong iniisip na sana ay maka-inspire ito sa makakarinig,” sagot ni Gloc 9. “May ma-inspire lamang ako kahit isa lang, boundary na sa akin iyon. Pero ayaw ko po na ang kanta ko ay magdidikta sa makakarinig nito.”
Ang Pareho Tayo ay pwedeng i-download nang libre sa iTunes. Ayon kay Gloc 9, napapanahon naman daw na siya ang magbigay-libre sa mga makakarinig ng kanyang kanta.
Since malapit na ang eleksyon, papayag ba siyang gumawa ng kanta para sa isang pulitiko? Pagdating daw sa ganoon, ipinauubaya na niya sa kanyang PPL management ang pakikipag-usap sa kanila dahil mas alam nila ang dapat gawin.
Sa ngayon daw may negotiation ang management niya sa Star Records. Biniro tuloy siya na paano kung ma-pirate lamang ang kanyang CDs?
“Tinitingnan ko na po lamang na isang way iyon ng promotion ng kanta ko kasi wala po naman tayong magawa sa pagpa-pirate ng CDs. Naririnig nila at nagugustuhan ang mga kanta ko.”
- Latest