Hearing ng MMFF, bitin pa!
Bitin pa ang kaganapan sa unang hearing sa Kongreso ang house resolution ni Cong. Dan Fernandez kaugnay ng diskuwalipikasyon ng Honor Thy Father bilang best picture sa nakaraang awards night ng 2015 Metro Manila Film Festival.
Nangibabaw lang ang mga salitang conflict of interest dahil sa pahayag na isa sa members ng Committee ay co-producer ng dalawang entries, ang #Walang Forever at Buy Now Die Later na si Dominic Du.
Pero ayon sa reports, wala pang kumpirmasyon tungkol dito si Du. Baka sa second hearing ay dumipensa na ang film distributor sa bintang na ito.
Sa panig naman ni Manay Ichu Maceda sa member din ng MMFF Committee, hindi raw nila inimpluwensiyahan ang board of jurors sa lumabas na resulta ng awards night.
Dahil tapos na ang MMFF, ayon kay Mayor Herbert Bautista na member din ng MMFF Committee, gamitin na lang ang magiging resulta ng hearing for future festivals at huwag gawing daan ‘yon ng pinpointing at sisihan ng mga tao.
Request para kay Kuya Germs nina Sen. Bong at Sen. Jinggoy hindi nakalusot
Ibinasura ng Sandiganbayan First Division na humahawak sa kaso ni Senator Bong Revilla, Jr. ang mosyon niyang makabisita sa burol ni Kuya Germs. Maging ang apela ni Sen Jinggoy Estrada ay hindi rin umubra.
Tatay-tatayan din ni Sen. Bong si Kuya Germs nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Lalong tumindi ang relasyon nila nang ikasal siya kay Lani Mercado na sa show rin ng Master Showman nagsimula.
Rason ng SB sa pagdenay sa petisyon ni Sen. Bong, hindi puwedeng makunsidera na “special circumstance” ang burol ni Kuya Germs upang payagan siyang makadalaw.
Maging si Sen. Jinggoy ay tatay rin ang turing kay Kuya Germs. Malapit din kasi ang father niyang si Erap Estrada sa namatay na TV host.
Hindi kasi showbiz ang Sandiganbayan kaya no choice ang dalawang senador kundi ipagdasal na lang ang tatay-tatayan niya sa showbiz. Tweet ni Congressman Lani sa denial ng request ng asawa, “Sorry Tatay. Kuya Germs we tried. #KuyaGermsRIP”.
Andre at Barbie kabado sa pagsabak sa primetime
Aba, lipat-bakod si Tonton Gutierrez sa That’s My Amboy series ng GMA, huh! Isa si Ton sa main cast ng rom-com series na muling pagsasamahan nina Andre Paras at Barbie Forteza matapos ang successful team-up nila sa The Half Sisters.
‘Yun nga lang, mas malaking challenge at pressure ang nararamdaman ng An-Bi loveteam dahil susugod na sila sa primetime.
Madadagdag ang programa nila sa line up ng panggabing shows ng GMA simula sa Enero 25.
Pasok din sa TMA ang first runner up ng Starstruck na si Ayra Marian. Ilan pa sa cast ay sina Kiko Estrada, Jan Manual, Jerald Napoles, Matet de Leon at Donita Rose.
Take note na si Bb. Joyce Bernal ang naatasang bigyan ng kilig ng bagong series nina Andre at Barbie.
Buti na lang, merong inaayos na bagong bersyon ng Encantadia si Director Mark Reyes na siyang nagpainit sa An-Bi loveteam, huh!
- Latest