MANILA, Philippines – Ang gabi-gabing paglalamay ni Manila Vice-Mayor Isko Moreno sa burol ni German Moreno sa Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City.
Tatay-tatayan ni Isko ang Master Showman.
Malaki ang naitulong ni Kuya Germs kay Isko noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz hanggang mamayagpag na rin ito sa pulitika.
Kahit ngayong kumakandidato si Isko sa pagka-senador, naka-back-up sa kanya si Kuya Germs, hindi na nga lang magtutuloy-tuloy ang suporta ng Master Showman kay Isko dahil “natulog” na rin ang host ng Walang Tulugan ng GMA 7.
Nang tanungin si Isko sa isang interview kung sino sa tingin niya ang artistang pinakamahal ni Kuya Germs, sinabi ng actor/politician na si Nora Aunor ‘yon.
Burol nagmistulang ‘reunion’ sa rami ng taga-showbiz…
Nagmistulang “reunion” ng maraming taga-showbiz ang lamay para kay Kuya Germs.
Maraming hindi na active sa iba’t ibang departamento ng showbiz industry ang nagpupunta sa lamay ng Master Showman.
Maraming mga dating alaga ni Kuya Germs sa That’s Entertainment ang makikita sa lamay.
Pati si Martin Nievera na aminadong malaki ang naitulong sa kanya ni Kuya Germs ay nagpunta rin doon at na-interview pa nga sa live telecast ng Walang Tulugan with the Master Showman sa mismong lamay para kay Kuya Germs.
Nagkita roon sina Martin at Jackie Lou Blanco na unang na-link sa kanya bago pa man naging sila ni Pops Fernandez.
Nagkita rin doon sina Martin at Pilita Corrales na siyang unang tumulong sa showbiz career ng concert king.
May lungkot man sa mga mata ng mga bumibisita sa lamay na ‘yon, kahit paano ay masaya na rin sila dahil alam nila na at peace na si Kuya Germs at sa kabilang buhay naman siya magbibigay ng saya katulad ng mahigit na 50 years niyang pagbibigay saya sa mundong ito bilang artista, TV host, producer at higit sa lahat ay star builder!
Vice ni-replay ang bonding nila ni Master Showman
Ang replay kagabi ng guesting ni Kuya Germs sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.
Isa ‘yon sa rare TV appearance ni Kuya Germs sa ibang TV networks.
Sobrang loyal ni Kuya Germs sa GMA 7 kahit wala naman daw talaga siyang exclusive contract doon dahil naniniwala ang Master Showman noong nabubuhay pa siya na hindi naman natatali sa kontrata ang loyalty ng isang tao.
Yes, ipinagpaalam ni Kuya Germs sa GMA 7 management ang guesting niyang ‘yon sa GGV at hindi na sila biglang nabulaga.
Pagkatapos kay Pokwang, Benjie si Candy naman ang kapareha
Marami ang natuwa nang malamang bida sa isang episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Entertainment ang comedienne na si Candy Pangilinan.
Si Candy nga ang leading lady ni Benjie Paras sa first episode ng nasabing trilogy.
Isang parody movie ang Lumayo Ka Nga Sa Akin at sa first story na pinagbibidahan nina Candy at Benjie, parody ‘yon ng action genre at gumaganap na damsel in distress ang comedienne at ang tatay naman nina Andrei at Kobe Paras ang classic vengeful action hero.
Three-in-one movie ang Lumayo Ka Nga Sa Akin kaya hinuhulaang ‘yon ang magiging first blockbuster ng 2016.
Mga bida rin sina Maricel Soriano, Herbert Bautista, Cristine Reyes, Paolo Ballesteros at iba pa sa pelikulang ito ni Boss Vic del Rosario.