Camille nagmukhang bata dahil sa dyowa
Biniro namin si Camille Prats sa presscon ng Wish I May na iba talaga ang in-love, mukha siyang bata. Kung si Rochelle Pangilinan na ayaw pang sabihin kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend na si Arthur Solinap, hindi naman ikinaila ni Camille na next year na sila magpapakasal ng kanyang boyfriend na naka-base sa USA.
Gaganap na mag-ina sina Camille at Bianca Umali sa afternoon prime na magsisimula na sa January 18, after ng Eat Bulaga.
Hindi raw naman siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role dahil sa story, isinilang niya si Bianca noong teenager pa lamang siya, kaya ngayon, parang magkapatid lamang sila.
Natawa lamang daw siya nang kunan ang first scene nila dahil noon lamang niya napansin na dalagang-dalaga na pala si Bianca at halos magkasingtaas na sila. Pero nakita niyang napakahusay na batang actress si Bianca at alam niyang magugustuhan ng mga televiewers ang muli nilang pagtatambal ni Miguel Tanfelix sa soap na dinidirek ni Neal del Rosario.
Mga ginagawa inalala...
Very touching ang presentation ng Sunday PinaSaya kahapon sa hashtag nilang #SPSAlayKayKuyaGerms para sa Master Showman German Moreno, na napagsama-sama nila halos lahat ng mga artista ng Kapuso network, mula sa kinikilalang Queen of Philippine Movies, si Ms. Gloria Romero, down sa pinakabatang artista, kahit ang mga broadcasters ng GMA News & Public Affairs, naroon silang lahat.
Iyong mga matagal mo nang hindi nakikita, nandoon sila, at siyempre, lahat ng talents ni Kuya Germs sa Walang Tulugan.
Ang dalawang may jet lag pa dahil kababalik lamang abroad, sina Ms. AiAi delas Alas at Alden Richards, ay nanguna sa presentation. Napansin lamang ng televiewers ang isang actress na walang pakialam na hindi nakikinig at humalakhak pa habang ginagawa ang presentation.
Dahil every Sunday ay nasa Studio 7 at nanonood ng show si Kuya Germs, kasama ng audience, inayusan ang chair na inuupuan niya at inilagay pa rin sa lugar kung saan siya nanonood. Ewan lamang kung mananatiling naroon ang chair every Sunday.
Muling sinariwa ng show ang pagsisimula ni Kuya Germs sa pagtatrabaho hanggang sa maging artista na siya at nag-impersonate sa kanya sina Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles at Joey Paras.
Sinariwa rin ang naging tatak ni Kuya Germs na That’s Entertainment na hinati sa limang grupo ang mga discoveries niya noon na naging malalaking artista na ngayon.
Dapat ay si Ms. Gloria Romero ang magpapasalamat sa mga naitulong ni Kuya Germs sa industriya pero hindi niya kinayang magsalita at ang isa pang iyakin na si Ms. Nova Villa ang nagpatuloy ng sasabihin niya.
Hindi rin kinaya ng nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico ang magpasalamat sa ginawang tribute ng show sa kanyang ama, ang pinsan niyang si John Nite ang nagpasalamat in behalf of the Moreno family.
Pero tulad ng laging sinasabi ni Kuya Germs na kahit anong mangyari, ‘the show must go on’ kaya after ng madamdaming tribute, itinuloy na rin ang iba pang segments ng Sunday PinaSaya, bawas nga lamang ng masyadong masasayang eksena.
- Latest