Jackie Lou kinutuban na nang ma-coma ang ‘tatay’

Kabilang sa mga maituturing na babies ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno sa showbiz ay si Jackie Lou Blanco.

Teenager pa lang si Jackie noong magsimula siya bilang isa sa hosts ng programa ni Kuya Germs na Germspesyal.

“I was 14 years old when I started sa Germspesyal.

“Wala akong kaalam-alam sa ginagawa ko on television that time. But it was Kuya Germs who guided me. Taught me all the things I need to know sa trabahong ito.

“Sa awa ng Diyos, I’ve been with Kuya Germs for almost half my life. After Germspesyal na naging GMA Supershows, up to Walang Tulugan with the Master Showman,” kuwento pa ni Jackie.

Tatlo lang daw sila noon nila Sharon Cuneta at Lani Mercado na nagpapalitan na mag-host kasama si Kuya Germs. Hanggang sa lumaki at dumami na sila.

“Before alternate Sundays kami nila Sharon at Lani. Until pumasok na sila Zsa Zsa Padilla, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Jam Morales, Jean Garcia, at Rachel Ann Wolfe. Lahat kami binigyan ng chance ni Kuya Germs na ma­ging host at nadala namin ‘yan hanggang ngayon.”

Noong malaman nga raw ni Jackie na na-comatose si Kuya Germs noong gabi ng January 7, kinabahan na raw ito.

“I was talking with John Nite and he said that it wasn’t looking good but they are trying to revive him. Sabi ko na lang, let’s continue to pray.

“When I learned that Kuya Germs slipped into a coma, doon na ako kinabahan. Pakiramdam ko na baka ito na iyon.

“I prayed na kung time na talaga ni Kuya Germs, Lord please take him kesa naman sa mahihirapan pa siya.”

Parte na nga ng pamilya ni Jackie si Kuya Germs kaya lubos ang pasasalamat niya rito sa lahat ng mga nagawa nito sa kanya.

“He’s friends to my mom (Pilita Corrales) for so many decades na. Isa siya sa nag-convince kay Monching (Ramon Christopher) na mag-artista noon. He’s like a second father na to Lotlot (de Leon) and her siblings at sa mga anak nila ni Monching. Pati mga anak ko at si Ricky (Davao), tatay na ang tawag namin sa kanya.

“Kaya it’s hard to accept na wala na si tatay. But his legacy lives on sa mga taong natulungan niya in and out of showbiz,” pagtatapos pa ni Jackie Lou Blanco.

Pinaubaya na kay Lord…

May sorpresa palang dapat na inihahanda si Kuya Germs sa kaarawan ng isa sa mga mina-manage niya na si Ken Chan.

Pero hindi na nga umabot pa si Kuya Germs sa birthday ng bida ng Destiny Rose.

“Kinausap po ako ni Tito Freddie (Federico Moreno). Sinabi niya na very proud si tatay sa akin.

“At may surprise party sana raw siya sa birthday ko.

“Doon ako naiyak dahil kung hindi sa pag-push ni Kuya Germs sa akin, hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon.

“I owe this all kay Tatay dahil sa sobrang pagmamahal niya sa aming lahat,” maluha-luhang pahayag pa ni Ken.

Nasa ospital pala si Ken noong gabing dinala si Kuya Germs sanhi ng isang massive heart attack.

Hindi raw mapigilan ni Ken ang umiyak noong malaman niyang na-comatose na si Kuya Germs.

“Lahat naman ay ginawa nila para mabuhay lang si Tatay.

“Pero sabi ni Tito Freddie na okey na raw iyon. Pinaubaya na nila kay Lord si Tatay.

“Ayaw din nilang makitang nahihirapan ito.

“Masakit para sa aming mga anak-anakan niya ang pagkawala ni Tatay.

“Kahit na wala na siya, alam kong gagabayan pa rin kami ni Tatay,” pagtapos pa ni Ken Chan.

Vin Diesel kumanta sa People’s Choice bilang tribute kay Paul Walker

Big winners sa naganap na People’s Choice Awards 2016 sina Taylor Swift, Melissa McCarthy, Sandra Bullock, Johnny Depp at ang mga TV shows na Grey’s Anatomy, Homeland at The Big Bang Theory.

Ang nag-host ng event ay si Jane Lynch at nagkaroon pa ng ilang surpri—sing moments ng People’s Choice tulad ng pag-awit ni Vin Diesel bilang tribute sa aktor na si Paul Walker at isang unidentified man na biglang umakyat sa entablado para i-promote ang rapper na si Kevin Gates.

Heto ang ilan pang nanalo sa People’s Choice Awards:

Jim Parsons (Favorite Comedic TV Actor); Taylor Kinney (Favorite Dramatic TV Actor); Ellen Pompeo (Favorite Dramatic TV Actress); It’s Always Sunny In Philadelphia (Favorite Cable TV Co­medy); Pretty Little Liars (Favorite Cable TV Drama); Person of Interest (Favorite TV Crime Drama).

Show comments