Heart mas nahirapang magpinta sa tela!

Minsan pa ay pinahanga kami ni Heart Evangelista for being a talented and a gifted artist. Sa presscon ng gala show ng sikat na fashion designer na si Mark Bumgarner, ipinakita ang mga gowns na pinintahan ng aktres at sa totoo lang, maa-amaze ka sa dalawa.

Si Mark ang gumawa ng gown at pagkatapos ay pipintahan naman ito ni Heart. At ang resulta ay unique but a very elegant gown.

Nagsimula ang partnership nina Heart at Mark nang magpunta ang aktres sa bahay ng fashion designer for the first time to fit basic dresses she requested para sa isang event.

Habang nag-uusap sila, lumabas sa kanilang diskusyon na pareho pala nilang gustong mag-paint at mag-design ng mga sapatos. At lumawak na ang diskusyon hanggang sa mapagdesisyunan nilang sa halip na sapatos ay damit na lang ang gawan nila ng collection together.

Say nga ni Heart, mas mahirap daw mag-paint sa tela at mas mahabang oras daw talaga ang ginugugol niya para makatapos ng isang gown.

Sa ngayon ay naghahanda sina Heart and Mark sa fashion show which will feature their creation and this will be held on January 18 sa Dusit Thani Hotel.

Titled Mark Bumgarner X Love Marie, ang proceeds ng fashion show ay mapupunta sa Thalassemia Association of the Phils and Corridor of Hope.

Samantala, masaya ang pasok ng 2016 para sa mag-asawang Heart and Chiz Escudero dahil magkakasama ang kanilang mga pamilya noong holiday season.

“Masaya. Sa bahay lang kami nag-Pasko at first time naming mag-celebrate ni Heart bilang mag-asawa. Nagkasama rin sa unang pagkakataon ang pamilya Escudero at Ongpauco para ipagdiwang ang holiday season,” ayon kay Chiz sa isang panayam.

Kasama ni Heart at Chiz ang pamilya Ongpauco noong Pasko at New Year’s Eve.

Pagkabalik sa bansa mula sa maikling bakasyon sa Japan kasama si Heart at ang kanyang kambal na anak na sina Chesi at Quino, ipinagluto ni Chiz ang pamilya ni Heart sa isang salu-salo sa bahay ng sister ng kaniyang misis na si Cam Ongpauco noong Dec. 31.

Masayang-masaya naman si Heart sa nangyayari sa kanyang pamilya lalo na pagkatapos ng naunang hindi pagkakaintindihan ng kanyang mga magulang at ng kaniyang mister.

“I am the happiest. God you are so amazing. I knew it!! #happynewyear2016,” ang naging caption ni Heart sa picture ng asawa at ang kanyang daddy Rey Ongpauco, na pareho pang naka-kiss sa kanyang cheeks.

Matapos naman ang New Year celebration with the Ongpaucos, naki-celebrate rin ang mag-asawa sa pamilya ni Sen. Chiz, kasama ang mommy nito na si Cong. Evie Escudero at mga kapatid at pamangkin.

Billy nagluluksa kahit nasa Africa

Nakaka-touch ang mensaheng ipinost ni Billy Crawford para sa yumaong si Master Showman German Moreno. Ramdam na ramdam mo sa kanyang post ang sinseridad at labis na pagluluksa sa pagyao ng itinuturing niyang tatay-tatayan sa showbiz.

Narito ang post ni Billy:

“Pa, I don’t know where to begin. You’ve always been there when I needed you the most. You are the most generous, selfless, genuine, caring father/mentor anyone could ever ask for. You’re one of the reasons why I’m still in this industry you love oh so much. I’m sad that I’m not there next to you to say my goodbyes.

“You will be missed tremendously. We fought, we laughed, we cried, we sang, we danced and we shared the same stage for so many years! And I want to just thank you for teaching me and guiding me through everything.

“It hurts to see you leave us, but God is right there to make you rest and enjoy eternity with Him. I also pray for your family to be strong and to carry a smile like you always did. You will always be our MASTER SHOWMAN! Most importantly you will always be my father and I will always be your makulit na adopted son!

“RIP, Pa. I love you.”

Si Kuya Germs ay 82 nang pumanaw kahapon ng madaling araw, Friday (Jan. 8) at around 3:20 a.m. habang naka-confine sa isang hospital sa Quezon City. He died of cardiac arrest.

 

Show comments