Naging celebrity overnight si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nais niyang gamitin ang kanyang popularidad ngayon para mas marami pa siyang mga taong matulungan.
Lilibutin nga ni Pia ang buong mundo bilang ambassadress of goodwill. Sa pagkakataong iyon ay makikita niya ang mga pangangailangan ng ibang mga tao sa iba’t ibang bansa.
“I feel like now that I have a lot of attention, I can use that to get a broader reach for my causes.
“Now that I have their attention, let me tell you this, let me tell you that. I think if anything, it’s going to help me reach out to more people,” pahayag pa ni Pia.
Nakasama nga ni Pia sa New York ng ilang araw ang kanyang mentor na si Jonas Gaffud na kilalang beauty queen maker ngayon.
Kahit saan nga raw magpunta si Pia sa Big Apple, kino-congratulate siya ng maraming tao.
“Everywhere we go in Manhattan in New York, nilalapitan siya tapos kino-congratulate siya at sinasabi, ‘You deserved to win!’” sey pa ni Jonas.
Hindi nga makapaniwala si Pia na natupad ang dream nitong tumira sa isang malaking apartment sa Manhattan, New York.
May running joke nga si Pia at Jonas tungkol sa word na Manhattan.
“Kasi nakatira siya sa Manhattan, Cubao sa Pilipinas.
“Sabi niya kapag naglalakad kami, ‘Imaginin mo, nasa Manhattan, New York na ‘ko, hindi na Manhattan, Cubao!’ So ‘yun ‘yung mga joke namin,” sabay tawa niya.
Camille memorable ang Pasko sa piling ng mapapangasawa
Naging very memorable ang Christmas at New Year ni Camille Prats dahil nakasama niya ang kanyang fiancé na si VJ Yambao.
Sa Pilipinas nga nag-Pasko at nag-Bagong Taon ang soon-to-be-husband ni Camille at nagpapasalamat ito na dumating si VJ sa buhay nila ng kanyang anak na si Nathan.
“Our short but sweet getaway was filled with wonderful memories for our little boy. :)
“We shared lots of laughter, stories, sightseeings and witnessed a few firsts for Nathan.
“I feel so blessed to have a fiancé who not only loves me with all his heart but takes wonderful care and shows lots of patience towards Nathan’s never ending questions.
“I am marrying a wonderful guy not only for me but more of for Nathan.
“Thank you love for being oh-so wonderful you.
“Nathan and I are truly blessed to have you,” caption pa ni Camille sa kanyang Instagram post.
Sa 2017 pa magaganap ang wedding nila Camille at VJ.
Lead singer ng bandang Backroad Anthem, patay sa hypothermia
Nagluksa ang country music industry dahil sa kumpirmasyon na patay na ang lead singer ng bandang Backroad Anthem na si Craig Strickland.
Natagpuan ang katawan ng 29-year old country singer sa Bear Creek Cove in Oklahoma pagkatapos itong mawala ng pitong araw.
Ang sanhi ng pagkamatay ni Craig ay hypothermia dahil sa pag-capsize ng sinasakyan nitong boat dahil sa sinuong nilang bagyo noong December 27, 2015.
Kasama nito ang kaibigan na si Chase Morland at isang aso named Sam.
Nag-duck hunting trip sila sa north of Tulsa in Kay County, Oklahoma.
Natagpuan na ang aso ni Craig. Pati na ang sinasakyan nilang boat ay natagpuan din. Pero hindi nila mahanap si Craig at si Chase.
Humiling ng dasal ang wife ni Craig na si Helen Strickland na mahanap ang kanyang mister at ang kaibigan nito.
Unang natagpuan ang katawan ni Chase at ilang araw pa ay ang katawan ni Craig.