Mukhang aliw na aliw naman si Governor Vilma Santos sa trailer ng kanyang pelikula. Kasi nga naging aware siya na marami na ring “views” sa internet.
Meaning, marami ang may interest na mapanood kahit na trailer pa lamang ng kanyang ginawang pelikula.
Iyan ang sinasabi nilang uso ngayon eh. Inilalagay nila sa internet ang trailer ng pelikula dahil sa paniwalang mas marami ang makakakita at masusukat nila ang natatawag na interest ng mga tao dahil sa rami ng views.
Tuwing may magbubukas kasi noon, nagre-rehistro. Pero hindi rin accurate iyon dahil posibleng may makapanood kung iyon ay naise-share na hindi na nagrerehistro sa original site.
May mga nagsasabi rin naman na hindi accurate iyon, dahil kagaya na rin ng tweets, maaaring mag-view ng kahit na isang libong beses ang isang tao lang.
Isa pa, sinasabi ngang hindi ganoon kalaki ang mga hooked sa internet, kaya kailangan pa rin ang trailer sa mga sinehan.
Pero palagay naman namin, sa tagal ng panahong ginawa nila ang pelikulang iyan, at ni wala pa ngang title ay naikukuwento na ni Ate Vi, masasabing luto na nga sa publisidad ang project nila.
Mukhang maganda naman ang pagkakagawa ng pelikula, kaya masasabing half of the battle has been won. Ang susunod na pag-uusapan na lang, ano naman kaya ang magiging resulta niyan sa takilya?
Sa sitwasyon ngayon, tiyak na ang sinasabing magdadala ng pelikulang iyan ay ang lakas pa rin sa fans ni Ate Vi.
May batak naman sa takilya si Angel Locsin pero matagal na siyang walang pelikula. Iyon namang si Xian Lim, kung ang pagbabasehan ay ang resulta ng pelikula niya nitong nakaraang festival, hindi masasabing impressive iyon.
Mapapansin mo rin ang fans ni Ate Vi, panay ang pasahan ng trailer ng pelikula sa mga social media sites.
Talagang sila ang pursigido. Kasi ang nananatiling laban nila ay para patunayang si Ate Vi ay hindi kagaya ng ibang mga senior stars na ang mga ginagawang pelikula ay pang-limited screening na lang.
Maraming ganyan eh, gawa nang gawa ng mga pelikula, hindi naman naipapalabas sa mga sinehan.
Matapos daw talunin ang My Bebe… Showtime may pag-asa pang makabangon?
Bagama’t nagkaroon ng kaunting controversy doon sa pagkaka-disqualify ng Honor Thy Father na naging mitsa nga sa panibagong congressional hearing na ewan namin kung may mangyayari rin, walang masyadong pagtatalo sa mga awards.
Maging ang sinasabing may sosyo ang ilang opisyal ng gobyerno sa ilang pelikulang nakakasali sa festival, hindi rin masyadong napag-uusapan, bagama’t masasabing questionable deals iyan.
Mas pinag-aawayan pa nila kung sino ang top grosser, na siguro nga resolved na rin by now dahil dapat may official reports na ang MMDA anytime now.
Ang tindi ng pagtatalo ng kampo ng pelikula ni Vic Sotto at pelikula ni Vice Ganda kung sino sa kanila ang talagang top grosser.
Noong araw, second day pa lang, kasabay ng awards, deklarado na ang top grosser pero ngayon ay hindi. Si Vic Sotto, madalas namang top grosser ang mga pelikula niyan.
Si Vice Ganda naman, tinalo na rin niya sa takilya noon si Vic Sotto.
Pero may isang factor pa sa labanang iyan, nandiyan iyong AlDub.
Palagay namin iyon ang mas mainit na dahilan ng pagtatalo. Kung lalabas nga namang tinalo ng pelikula ni Vice ang pelikulang kasama ang AlDub, ibig sabihin may pag-asa pang makabawi ang kanilang noontime show.