Legal na ang pagiging Mrs. Nico Bolzico ni Solenn Heussaff dahil ikinasal na sila ng kanyang boyfriend sa Esperanza, Argentina noong December 29.
Christmas Day nang lumipad sa Argentina si Solenn at ang kanyang mga magulang para sa kasal nila ni Nico.
Wise decision na idaos sa bansa ng groom ang kasalan dahil naging pribado ito.
Pagod na pagod si Solenn sa kanilang biyahe mula Maynila hanggang Argentina na tumagal ng 30-hours.
So lucky ang groom dahil ang bride pa ang dumayo sa bansa niya para pakasalan siya.
Dumalo sa Nico-Solenn wedding ang kanilang mga kaibigan mula sa Pilipinas na kinabibilangan nina Isabelle Daza, Georgina Wilson at Anne Curtis. Naglamiyerda muna sa Chile si Anne at ang boyfriend nito na si Erwan bago sila nagpunta sa Argentina. Future hipag ni Anne si Solenn dahil kapatid ito ni Erwan.
Mga produ ng Honor… sinagot ang mga bagong ‘akusasyon’ ng MMFF
Naglabas ng open letter ang mga producer ng Honor Thy Father para sa Metro Manila Film Festival Executive Committee tungkol sa isyu na ipinalabas din sa Hawaii International Film Festival ang pelikula kaya disqualified ito sa best picture category ng Metro Manila Film Festival 2015 Awards.
Nakapirma sa sulat para sa MMFF Execom sina Dondon Monteverde, ang direktor na si Erik Matti ang Honor Thy Father actor na si John Lloyd Cruz na co-executive producer ng pelikula.
Ang sey ng tatlo, ginugulo ng MMFF Execom ang isyu dahil sa unang sulat sa kanila, hindi naman nakalagay ang international screening ng Honor Thy Father.
An open letter to the MMFF Executive Committee: Honor Thy Father was not an MMFF entry when we accepted invitations to screen at international film festivals. You rejected our film in June and invited us to join MMFF in October.
“You did not bring up HTF’s international screenings in the letter of disqualification you sent to us one day before the awarding ceremony.
“You disqualified us because, according to you, we did not disclose to you HTF’s screening as the Opening Film of Cinema One Originals. You are muddling the issue.
“It must be hard being in your shoes right now. May we suggest that you do the right thing? Tell the truth. It’s not easy getting your story straight otherwise.”
Birthday ni Alden inaabangan
Habang nagbabaga pa rin ang kontrobersya tungkol sa Honor Thy Father at MMFF Execom, maligayang-maligaya ang mga artista at produ ng My Bebe Love dahil pinipilahan pa rin sa takilya ang kanilang pelikula.
May mga tumaas ang kilay sa pralala na isang milyon na lang ang agwat ng kinita ng isang pelikula at ng My Bebe Love. Malalaman din natin ang the truth and nothing but kapag lumabas na ang official report ng MMFF.
Bukod sa Pilipinas, napapanood na rin sa Amerika ang My Bebe Love at magkakaroon din ito ng international screening sa Middle East.
May show si Alden Richards sa Dubai sa January 7, 2016 at baka maabutan pa niya ang showing doon ng kanilang blockbuster movie.
Ipagdiriwang nga pala ni Alden sa January 2 ang kanyang birthday kaya kinukulit ako ng mga kasambahay ko. Type nila na pumunta sa studio ng Sunday PinaSaya sa GMA 7 para panoorin ang birthday celebration ni Alden.