Kaya kinakalasan ng mga staff, dalawang mabait at accommodating na artista, maldita sa mga katrabaho
Kilala naming mabait at very accommodating ang dalawang artistang ito pero hindi naman namin sila nakikita kung paano sila magtrabaho, kaya nagulat kami sa tsikang mahirap silang pakisamahan kaya nagrereklamo sa kanila ang kani-kanilang staff.
Iyong isa raw, mahirap pakisamahan kaya no wonder nawawala isa-isa ang kasama niya sa ginagawa niyang show. Bawat umalis ay may reklamo sila sa kasama nila.
Iyong isa raw naman, gusto niya laging siya ang nasusunod, kahit mali naman ang gusto niyang gawin.
Pumapayag daw lamang itong baguhin ang gusto niya kapag palpak na at hindi na pwedeng gawin ang gusto niya.
Kaya ngayon daw na Christmas vacation at wala silang taping, nakakahinga sila nang maluwag, at good luck daw na naman sa kanila kapag balik-trabaho na sila.
Regine kasama sa Bora ang dating pamilya ng asawa
Dito pala sa Pilipinas magpapalipas ng New Year ang pamilya ni Michelle van Eimeren. Kung dati, sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at ang anak nilang si Nate ang pumupunta ng Australia for the holidays, ngayon sina Michelle ang pumunta sa bansa para sila naman ang magbakasyon dito.
Pero hindi sa bagong renovated house nina Ogie at Regine sila nag-stay dahil nasa Boracay silang lahat ngayon.
Nag-post si Regine sa kanyang Instagram account ng pictures nila roon at kitang-kita na nagi-enjoy sila sa bonding ng Alcasid at Morrow families.
Pagkapanalo ni Maine sa MMFF, ayaw tantanan ng reklamo
Patuloy pa rin ang mga reklamo sa katatapos na Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal. Bukod sa pagka-disqualify ng Honor Thy Father sa best picture award, may mga nangba-bash pa rin na hindi makapaniwala na si Maine Mendoza ang nanalong Best Supporting Actress at tinalo pa sina Iza Calzado at Nova Villa.
Bagung-bago pa raw lamang si Maine (more than five months pa lamang sa showbiz), nanalo na ng award. May mga nagtatanong pa kung sinu-sino raw ba ang members ng board of judges. Dapat daw ay pangalanan at makilala sila.
Kaloka, para bang kapag nalaman nila kung sinu-sino ang bumuo ng board of judges, mababago pa ang mga boto nila?
Sabihin na lamang natin, para kay Maine talaga ang award, at wala nang makakaagaw noon sa kanya. Nai-announce na kung sinu-sino ang mga nanalo kaya kahit magreklamo pa kayo wala na ring mangyayari.
Tamang Panahon ng AlDub, may replay
Kung isa ka sa AlDub Nation, mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, at gusto mong mapanood muli ang mga magagandang pangyayari sa noontime show at sa kalyeserye, sa pagpapakita nila ng The Best of 2015, heto na ang hinihintay ninyo.
Tiyak na gusto ninyong mapanood muli ang Tamang Panahon episode na ipinalabas sa Philippine Arena noong October 24, ngayong Wednesday, muli nilang ipakikita iyon. Four hours non-stop ang show noon sa biggest indoor arena, hindi lamang namin sure kung magiging two-part iyon dahil bukas ay 24th weeksary nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye.
- Latest